BIGLANG nainis si Andrew sa sinabing iyon ni Clever. Mula pa nang dumating siya sa opisina ay hindi na siya tinigilan nito, katulad ng una niyang hinalang gagawin nito kapag nalaman nito ang namamagitan sa kanila ni Tiffany. At dahil ayaw niyang abutin sila ng madaling araw kakaasar nito ay sinabi na lamang niya na nagpapaka-good Samaritan lamang siya. But then, does he has to remind him of all the rude words he said regarding Tiffany? Inamin na nga niya sa sarili niya na mali ang lahat ng first impression niya rito. “Hindi ibig sabihin na sinabi ko iyan dati ay ganoon nga siya. Besides, I realized that she’s not snob, she’s just lonely. And I don’t hate her okay?” asar na sabi niya. Lalo pa itong tumawa. “Adik, praning. Of course I know that. Kung mayroon man sa ating dalawa ang mas mak

