Biglang sumariwa sa alaala ni Tiffany ang mga narinig niya. At para iyong punyal na humihiwa sa dibdib niya. Tumalikod siya at walang salitang ipinagpatuloy ang paglakad. “Wait!” bigla nitong hinigit ang braso niya dahilan upang mapaharap siya rito. She shivered when she felt his skin. Nakakainis dahil ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. “Ano ba, bitawan mo ako Andrew, mahuhuli ako sa flight ko,” inis na sabi niya. Himbis na bumitaw ay humigpit pa ang hawak nito sa braso niya at tuluyan na siyang hinarap. “No, I will not allow you to go anywhere. No matter what, you cannot run away from me,” matatag na sabi nito. Manhang napatingin siya rito. “Why? You hate me right? I am a snob at kaya ka lang napalapit sa akin ay dahil mabait ka lang. Kung ganoon bakit mo ako pinipigilan ngayon?

