Kabanata 3

3172 Words
Thylane AMBANG magsasalita ako upang umangal nang biglang nagkagulo ang paligid. Naalarma ang mga kasama ni Tito Eman dahil sa pagdating ng isang grupo ng mga kalalakihan na halatang mga binatilyo pa. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makitang may mga hawak sila na patalim at mga pamalo. A-Ano ang mayroon? Humigpit ang pagkakakapit ko sa braso ni Veronica na mukhang nagalit sa presensiya ng mga bagong dating. Ako man ay kinakabahan na dahil mukhang may gulo pang mangyayari rito. Nang tingalain kong muli si Lisa ay tila ito natuklaw ng ahas habang nakakapit nang mahigpit sa sanga ng puno. Hindi ito makababa dahil nga sa mga dumating, kabadong-kabado ang mukha nito habang nagtatago sa mga dahon. Si Loana ay hindi ko alam kung saan nagtungo, bigla na lamang itong nawala sa paningin ko. “Hoy, mga gago! Ano na naman ang ipinunta n’yo rito?! At talagang nagsama pa kayo ng mga pipitsugin na feeling gangster!” malakas na sigaw n’yong si Steve na napatayo pa mula sa upuan nito. Binitiwan nito ang hawak na bote ng alak. Saglit ako nitong sinulyapan, bago muling harapin ang tingin ko ay mga kaaway nila. Tila pa ako nanigas dahil parang may kakaiba kay Steve na hindi ko mawari. B-Bakit niya ba ako tinitingnan? Nang muli kong tingnan ang mga bagong dating ay pansin kong napapasulyap sa akin ang iba. Tila ba naintriga sila dahil may bagong mukha silang nakita rito. Nakagat ko ang ibabang labi at nagtago sa likuran ni Veronica. “Napakayabang mo talaga, Steve! Bakit hindi natin subukan ‘yang yabang mo sa totoong rambulan?!” sigaw ng kabilang grupo na nagkantyawan pa. Tila ba tuwang-tuwa sa ideyang magra-rambulan sila. Sa tingin ko pa naman ay binata pa ang mga kaaway ng grupo ni Steve. Samantalang sila ay halos mga may edad na. Ang mga pinsan ko lang ata na lalaki ang medyo bata pa sa grupo nila. Kaedaran lamang sila ng aking panganay na kuya... Binalot ako ng takot dahil sa posibilidad na mangyayari mamaya. “Veronica, u-uuwi na lang ako.” Ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng buo kong katawan dahil sa takot. Ayokong madawit sa gulo nila at baka mas malala pa ang abutin ko kina Mommy’t Daddy. Nilingon ako ni Veronica at tinanguan. “Sige, mas mabuti pa nga. Delikado rito mamaya dahil magbabatuhan sila ng mga bote at magpapatayan,” anito na tila ba sanay na sa mga ganoong eksena. Nanlaki ang mga mata ko. “Sige na, sige na.” M-Magpapatayan?! Grabe naman iyon! Hinila ako nito palapit sa sasakyan, na hindi kalayuan sa puwesto ng mga kaaway nila. Natakot pa ako nang lumabas si kuya Ricky upang alalayan ako dahil sa nanginginig kong mga tuhod. Dahil doon ay sinundan kami ng tingin ng mga kaaway nila. Ang akala ko’y makakalapit kami ng sasakyan nang payapa. Ngunit hindi pa man ako nakakahawak sa hawakan ng pinto ng sasakyan nang may biglang naghagis ng bote banda sa paanan ko. Nagkalat ang bubog niyon sa paligid ko. Napatili ako sa sobrang takot. Narinig ko pa na may mga sumigaw ng pangalan ko. Hindi ko iyon napagtuonan ng pansin dahil sa pagkagulat. Dahil sa pagkataranta ko ay nahila ko si kuya Ricky palayo habang sinusuri nito ang katawan ko kung nasugatan ba ako.  Namura nito ang mga lalaki na bumato habang itinatago ako sa likuran niya. Doon ay impit akong napaiyak. Walang tigil ang panginginig ng buo kong katawan dahil sa takot na nararamdaman. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lamang naranasan ang ganitong karahasan... at pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga dahil sa paninikip ng dibdib ko. Saglit akong nawala sa sarili ko ng mga oras na iyon. Namalayan ko na lamang na itinulak ako palayo ni kuya. Natumba ako sa gilid ng bakod ng bahay ni Lisa kaya lalo akong napaiyak. Sa nanlalabo kong mga mata ay nakita ko kung paano sugurin ng mga lalaki si kuya Ricky, nagsilabasan din ang grupo ni Steve na nakipagrambulan sa mga kabataan. May mga bitbit din sila na pamalo, ang iba ay itak at kung ano-ano pang bagay na sila lamang ang nakakaalam. Sa puntong iyon, ang tanging nagawa ko na lamang ay matulala habang umiiyak sa nasasaksihang gulo ng dalawang grupo. Naghalo silang lahat at nagkasakitan. Kahit mga lasing ang iba sa grupo ni Steve ay nagagawa pa rin nilang makipaglaban sa mga kaaway. Sinubukan kong hanapin si kuya Ricky nang makatayo ako, ngunit bigo akong makita ito. Napahalo na ito sa awayan at tila lalo akong natakot dahil sa kaalamang iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nasaksak o kung ano pa man ang mangyari kay kuya Ricky. Paano kung malaman ito ng mga magulang ko? Malamang ay pagagalitan nila ako at hinding-hindi na talaga papayagang gumala. Sa oras na iyon ay alam kong bibigay na ako sa sobrang takot. Nais kong tumakbo palayo sa gulo, ngunit ang katawan ko ang ayaw kumilos. Tila ba ako naugatan na sa kinatatayuan ko.  Wala rin akong nagawa nang may humampas at sumira sa kotse namin na nakaparada lamang sa tapat ng bahay ni Lisa. Basag ng mga salamin at gasgas ang inabot ng kotse na siyang ginagamit namin sa tuwing ihahatid at susunduin ako mula sa eskuwelahan. Ang paligid ay napuno ng ingay mula sa mga nababasag na bote. Ang kaninang kasiyahan na nagaganap ay napalitan ng karahasan. Nawala ang mga tao na kapit-bahay nila kanina na nasa labas, nagsipasok ang mga ito sa kani-kanilang bahay, sa takot na baka madamay. Napatingin ako sa lalaking nakawala mula sa tumpukan ng mga tao, hindi ito pamilyar sa akin kaya’t sa tingin ko ay miyembro ito ng kabilang grupo. Nakangisi ito sa akin habang hawak-hawak ang isang kutsilyo. Agad akong kinabahan dahil alam kong ako ang puntirya nito ngayon. Umiling-iling ako rito. “S-Sorry po, k-kuya...” Hindi ko alam kung bakit humingi pa ako ng paumanhin dito, gayong wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Ngunit isang halakhak lamang ang natanggap ko mula rito. Ambang susugurin ako nito nang biglang sumulpot si Veronica na may hawak na bote. Agaran niya iyong hinampas sa ulo ng lalaki bago pa man ito makalapit sa akin. Doon ay natulala ako dahil sa nasaksihan. Kita ko ang pagtumba ng lalaki habang nangingisay, maraming dugo ang umagos mula rito papunta sa sementadong daan! Ang akala ko ay matatapos na ang kalbaryo ko roon, ngunit hindi pa pala dahil sa dalawa pang lalaki na pinagtulungan si Veronica. Kinuyog nila ang babae at wala akong nagawa kundi ang mapalayo roon. K-Kung papasok akong muli sa loob ng bahay ni Lisa ay baka lalo lamang akong masali sa gulo dahil doon iyon nangyayari sa tapat ng bahay nila. Mariin kong kinapa ang bulsa ng pantalon ko. Hinanap ko ang phone ko upang tawagan ang parents ko ngunit napagtanto kong naiwan ko sa loob ng bahay ang shoulder bag ko. Napatakip na lamang ako ng bibig nang muntik na akong tamaan ng isa pang bote. Mabuti’t agad akong nakagilid, kung hindi ay alam kong sa hospital ang diretso ko. “Tarantado! Bakit mo dinadamay rito ang misis ko?!” Nanginginig akong napatingin kay Steve nang sumigaw ito. Inatake nito ang lalaking muntik na akong matamaan ng inihagis na bote. Nagsuntukan ang mga ito sa harap ko kaya lalo akong napaiyak sa takot. “S-Steve,” nanginginig kong tawag dito matapos nitong patumbahin ang lalaki’t lapitan ako. “G-Gusto ko nang u-umuwi...” Mabilis akong kumapit dito nang magkalapit kami. Doon ako umiyak sa dibdib nito dahil hindi ko na makayanan ang takot ko. Hindi ako sanay sa ganitong karahasan... na napapanood ko lamang sa telebisyon. Hinaplos nito ang likod ko. “Shh, tumahan ka na. Ako ang bahala, tatapusin ko ang mga gunggong na ito,” anito’t agaran akong binuhat nang pambata.  Nataranta ako dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, ngunit ipinagkatiwala ko pa rin dito ang kaligtasan ko kahit na mukha itong manyak kanina. Pakiramdam ko rin ay ligtas ako ngayon sa bisig nito kahit na hindi kami gaanong magkakilala. Masama pa ang naging impresiyon ko rito kanina ngunit heto siya at tinutulungan ako... Mabilis nitong tinalon ang hindi kataasan na bakod ng bahay ni Lisa habang buhat-buhat ako. Gusto kong punain ang galing nito ngunit hindi ko magawang maibuka nang maayos ang bibig ko sa sobrang paninginig niyon... Nang mapatingin ako sa mga nag-aaway ay nakita ko si kuya Ricky na nakikipagsuntukan sa mga lalaki, nagdudugo pa ang mukha nito! Halos ayaw itong tantanan ng mga lalaki kaya napipilitan itong makipagsuntukan! Hindi siya makalapit sa akin dahil kinukuyog siya ng mga lalaki! Napahagulgol ako’t itinuro si kuya Ricky kay Steve. Hinarap ko ito habang walang pa ring humpay sa pag-iyak. Biglang humigpit ang pagkakakapit ko sa balikat at leeg nito. “I-Iligtas mo siya, S-Steve. P-Please...” munting pakiusap ko dahil alam kong mapapagalitan din si kuya Ricky ni Dad kapag nalaman ang nangyari sa amin. At isa pa’y ayokong makitang nasasaktan ito dahil matagal na rin kaming magkakilala, matagal na rin itong nagtatrabaho sa pamilya namin. Pumasok kami sa loob ng bahay ni Lisa, siniguro nitong sarado ang mga bintana at pinto upang hindi mapasukan dito ng bote o bubog. “Iligtas mo si k-kuya Ricky, please...” ulit ko nang iupo ako nito sa upuang gawa sa kawayan. Sinapo nito ang magkabilaan kong pisngi at saka tinuyo ang mga luha. Sunod-sunod itong tumango. “Oo, gagawin ko. Mangako ka lang na hindi ka aalis diyan sa puwesto mo.” Nakagat ko ang ibabang labi at tumango rito. “O-Opo,” nanginginig kong pagsang-ayon. Napayuko pa ako nang titigan niya ako sa mga mata. Ngunit gamit ang mga malalaking kamay at daliri ay iniangat nito ang mukha ko upang muli akong ipaharap dito. “Sige, pero kailangan mo muna akong halikan dito.” Tinuro nito ang labi na ikinatigil ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad na napalayo ng mukha rito. Kailangan ko pa siyang... h-halikan? Bakit at para saan? At hindi maaari, pagagalitan ako ng mga magulang ko kapag nakipaghalikan ako sa lalaki lalo’t hindi ko nobyo. Napansin ko ang pagdilim ng mukha nito nang makitang ayaw kong humalik sa kaniya. Nanigas ang panga nito at iniwasan ako ng tingin. “Sige, bahala ka.” Nataranta ako at agad na hinuli ang braso nitong may tattoo. Napaiyak ako dahil nagtatalo ang isip ko kung gagawin ko ba o hindi. Ngunit kailangan ko ng tulong niya, baka kung ano ang mangyari kay kuya Ricky lalo’t nagdurugo na ang mukha nito kanina nang masulyapan ko. Tinitigan ko ang mukha nito, mayamaya’y napunta sa labi na ngayon ay nakangisi na. Lihim akong napangiwi dahil alam kong amoy alak siya at sigarilyo, may balbas pa ito na ayaw na ayaw ko. Sa huli ay wala akong nagawa kundi abutin ang panga nito upang pagbigyan ng halik na hinihingi. Pikit-mata kong inilapit ang labi ko rito at saka marahan iyong idinampi sa kaniya. Lalo akong napapikit. Tikom na tikom ang labi ko nang bigla nitong hawakan ang panga ko’t idiniin ang sarili sa akin. Napasinghap ako lalo na nang maramdaman kong sinakop niya ang labi ko. Ilang ulit niyang ginawa ang maririing paghigop at pagsipsip sa mga labi ko bago ako tigilan. Malalakas na pagsinghap ang nagawa ko matapos nitong bumitiw. Ramdam na ramdam ko ang bawat t***k ng puso ko at ang panlalambot ng mga tuhod. Ngumisi ito sa akin at dinilaan pa ang labi niya. “Sarap ng labi mo, bata.” Muli itong lumapit sa akin na malaki na ang pagkakangisi, saka bumulong sa akin na nagbigay kilabot sa aking sistema. “Akin ka na ngayon, darling...” Natulala ako hanggang sa makaalis ito. Hindi ko maintindihan... papaanong naging kaniya na ako? At bakit ganoon siya? Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Naaamoy ko pa mula roon ang amoy ng alak at sigarilyo kaya agad kong hinanap ang bag ko. Nang matagpuan ko iyon ay kinalkal ko ang loob upang hanapin ang panyo ko. Hindi naman ako nabigo dahil agad ko rin iyong natagpuan. Mariin ang ginawa kong pagpunas ng panyo sa labi ko dahil baka maamoy ako ng parents ko at ng ibang tao. At isa pa’y nandidiri ako sa laway nitong nahaluan na ng kung ano-anong kemikal. Baka ako ay magkasakit pa. Tumakbo pa ako papunta sa banyo na naririto at doon ay dumura nang ilang beses. Sa mga oras na iyon ay kabadong-kabado rin ako dahil baka malaman nina Mommy’t Daddy na humalik ako ng isang lalaki na hindi ko naman gaanong kilala. Paniguradong magagalit sa akin ang mga iyon dahil isang kalapastanganan ang ginawa ko... Nakagat ko ang ibabang labi nang may sumidhing sakit mula sa paa ko. Nang bumaba ang tingin ko ay literal na napabuka ang bibig ko sa sobrang gulat. Nagdurugo ang aking kanang paa! At ang ikinagulat ko pa ay may hiwa ito! Pakiramdam ko ay tuluyan na akong tinakasan ng kaluluwa. Sa takot ko ay madalian akong bumalik sa inuupuan ko kanina at kinuha ang aking telepono. Ni hindi ko man lang ito naramdaman kanina! Siguro ay dahil sa sobrang takot! Naka-doll shoes pa naman ako kaya litaw na litaw ang itaas na parte ng paa ko. Mabilis ang aking ginawang pagtawag kay Daddy na alam kong wala gaanong ginagawa sa ganitong oras. Bahala na kung makatikim ako ng sandamakmak na sermon mula sa kanila. Pero kailangan ko ang tulong nila dahil hindi ako sanay na nagkakasugat ng ganito. Mababa ang pain tolerance ko lalo na pagdating sa mga ganito kaya’t sa kanila ako agad humihingi ng tulong. “Princess!” bati agad ni Dad nang masagot ang tawag. Tuloy ay nanginginig kong itinapat ang telepono sa aking bibig. “D-Daddy, puwede n’yo po ba akong sunduin dito? Please, magsama po kayo ng mga pulis.” Nakagat ko ang ibabang labi ko’t mariing ipinikit ang mga mata. Sunod-sunod itong napamura at hindi nagustuhan ang mga narinig mula sa akin. “Ano ba ang nangyayari riyan, Thylane?! Huwag mo naman kaming pakabahin nang ganito!” tarantang ani Daddy. Narinig ko pa ang boses ni Mommy sa kabila, tila nagkaroon ng gulo roon sa kanila. Heto na... Rinig na rinig pa naman nila ang mga ingay mula sa labas ng bahay na ito. Huminga ako nang malalim at saka pinakawalan ang ibabang labi mula sa pagkagat. Ayoko nang maglihim sa mga magulang ko at baka masampal ako. “D-Daddy, kasi may g-gulo rito. N-Napaaway po si kuya Rick—” Hindi pa man natatapos ang aking sasabihin nang putulin na agad ni Daddy ang tawag. Tuloy ay natulala ako sa hawak kong telepono. Galit siya, galit na galit... Malamang, sa susunod ay hinding-hindi na talaga ako makakagala kahit pa magsama ako ng isang dosenang taga-bantay. Binitiwan ko ang telepono’t itinago ito sa bag ko. Hindi pa rin mawala-wala ang panginginig ng buo kong katawan. Papaanong hindi ako matatakot kung hanggang ngayon ay naririnig ko pa ang mga sigawan at pagkabasag ng mga bote sa labas? Nag-aalala na ako para sa mga kasama ko rito kanina. Ang mga kasamahan ni Tito Eman ay alam kong may mga tama na rin ng alak pero sumali pa sa gulo. Hindi ba sila nag-aalala para sa buhay nila? Ganito ba talaga rito sa kanila? Nagrarambulan sila sa hindi ko malamang dahilan. Nagpapatayan... Lalo rin akong malalagot kay Daddy lalo’t sinira ang kotse namin. Masiyado pa naman itong kuripot at ayaw gumasta ng pera sa kung saan-saan... Napangiwi ako’t namilipit sa sakit ng paa. Umiiyak ako habang pilit na isinisiksik sa isipan ko na parating na rin sina Mommy at Daddy, magagamot na rin ang sugat ko. Kaya kahit namimintig sa sakit ang aking paa ay pinilit ko ang sarili na matulog, nang sa gayon ay panandalian kong makalimutan ang nararamdaman, at ang mga eksena kanina. Nagising na lamang ako dahil sa mga murahan at ingay. “D-Daddy...” Naaninag ko ang Daddy ko na may kausap na lalaki, bago ito lumapit sa akin at saka ako binuhat. “Siguraduhin ninyong mabubulok ‘yang mga ‘yan sa kulungan, Montehermoso.” kausap ni Daddy kay kuya Alfonso na napahagod pa ng buhok. Nanlaki ang mga mata ko at natuwa nang makita ito. Ngunit nang mapadako ang tingin nito sa akin ay nakita ko ang galit nito. Tila ba hindi ito natutuwa na nandito ako. Sinubukan kong hanapin si Mommy, ngunit nabigo ako dahil wala siya rito. Napahigpit ang pagkakakapit ko sa leeg ni Daddy nang masumpungan ko si Steve na nakaupo sa gilid habang matiim na pinagmamasdan ako na buhat-buhat ng aking ama. Nagdurugo ang noo nito, pati ang mga kamay. Nagbigay kilabot iyon sa akin. Nakakapanlamig sa buong katawan lalo na’t biglang bumalik sa isipan ko ang ginawa namin kanina. Sa kahihiyan ay sumiksik ako sa leeg ni Dad at doon nagtago. “Dad, dalhin mo na ‘yang babae na ‘yan sa hospital at nang magamot. Namumutla na, ayan ang napapala sa katigasan ng ulo. Gala ka pa sa susunod, ha, Thylane?” ani kuya na tinaliman ang tingin sa akin. “Sige na, umalis na rin kayo at huwag mo nang pasamain lalo ang loob ng unica hija natin,” ang marahang sambit ni Daddy sabay haplos sa likod ko. Kita ko ang pag-ismid ni kuya sa akin. “Tsk. Masiyado mo namang bine-baby ‘yan, Dad.” Saka ito nag-martsa paalis. Sa ginawa nito ay lalong sumama ang loob ko. Gayunpaman ay hinarap ko pa rin si Daddy. Nako-konsensiya ako dahil alam kong galit na galit ito. At ayokong nagagalit siya dahil mas sanay akong palabiro ito, minsan pa’y seryoso. “Daddy, sorry po,” hinging paumanhin ko habang nakatingin dito. Bumigat ang loob ko nang matahimik ito, napayuko ako. Ngunit kita ko ang pangungunot ng noo nito. Mayamaya’y bumagsik ang mukha. “Nanigarilyo ka ba at uminom ng alak?!” galit nitong tanong sa akin. Inilapit niya pa ang ilong sa bibig ko kung kaya’t kinakabahang napalayo ako ng mukha rito. “Hindi po, Dad. H-Hindi po...” Nahihintakutang napatingin ako kay Steve na napansin kong napangisi sa narinig. Dinilaan nito ang ibabang labi habang malagkit ang mga tingin sa akin. Mabuti’t hindi iyon nakita ni Daddy. Kung nakita niya iyon ay baka bugbog na ang inabot ni Steve. Agaran akong napaiwas ng tingin dito. Nakakapangilabot na alalahanin ko pa ang ginawa namin kanina. Hinalikan ko siya para lamang sa isang pakiusap, at siya naman itong inabuso ang ginawa ko. Dampi lamang dapat iyon, ngunit ginamitan niya pa ng bibig niya at laway, tuloy ay kumapit sa akin ang amoy niya. Ngunit ganoon pa man ay tumahimik na si Daddy. Hindi na ito nangulit pa, ngunit pansin ko na iba na ang iniisip nito sa akin. Tahimik akong humikbi sa leeg ni Dad hanggang sa makarating kami sa hospital upang gamutin ang sugat ko sa paa. Natamaan siguro iyon ng bubog kanina. Maging si kuya Ricky ay na-hospital din dahil sa tinamong mga hiwa sa katawan. Nang matapos kaming gamutin ay umuwi na kami sa bahay upang magpahinga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD