Thylane Tahimik lamang ako habang nasa biyahe. Ang totoo’y nanginginig ako sa kaba dahil hindi ko alam ang ire-react ko kapag nakita ko ang isa sa kanila. Naroon din kaya sa kulungan na iyon si Steve? Sana’y oo, aasarin ko lang siya para mabanas siya sa akin dahil sa ginawa niya sa akin doon sa hospital. Hanggang ngayon, kapag naaalala ko ang mga sinabi niya ay nanginginig ako sa galit... Nang huminto sa presinto si Dad ay sinenyasan niya ako na manatili lang muna sa sasakyan. Agad naman akong sumang-ayon dahil wala naman akong business sa loob ng presinto, sa bilangguan lang. Huminga ako nang malalim at isinandal ang likod sa upuan. Nilingon ko si Dad na mabilis na pumasok sa presinto. Ano naman kaya ang pakay ni Dad doon? Nagkibit-balikat lamang ako at hinintay itong bumalik. M

