Chapter 3
Toffer
“Pwede ba? GET YOUR HANDS OFF ME!” I shouted at the two men who were trying to tie me up on the chair, f**k! “I DIDN’T TOUCH HER! SHE WAS THE ONE WHO KISSED ME!” I shouted at I saw them gasped, ang sama na ng tingin nilang lahat sa akin at para akong iaalay sa pinaka pinuno nila.
Bakit biglang natipon ang buong barangay dito? Nawala na ang lasing ko dahil sa mga nangyayari.
“MARIA! MARIA! TELL THEM THE TRUTH!” sigaw ko sa kanya na sobrang tipsy pa at ngingiti ngiti lang.
Dalawang beses pa siyang nagsuka!
“f**k! I DON’T DESERVE THIS KIND OF TREATMENT! I WANNA GO HOME!” saka ko biglang nakita si Mommy, she was talking to Maria’s parents and they are obviously mad... mad at me, siguro kung nakakamatay lang ang tingin abo na lang ako ngayon!
“ARGH!” pilit kong tinatanggal ang kamay at paa ko na naktali sa silya “WHAT KIND OF PEOPLE ARE YOU? ARE YOU A CULT OR WHAT?”
“Ginoo ang mga babae dito ay ginagalang, at si Binibining Maria pa ang napili mong pagsamantalahan!”
“PAGSAMANTALAHAN?” halos masuka ako sa sinasabi nila “AKO? PAGSASAMANTALAHAN KO SIYA? EH SIYA NGA YUNG NAG TAKE ADVANTAGE SA AKIN! SIYA ANG HUMALIK SA AKIN! SA GWAPO KONG ITO! DAPAT MAINTINDIHAN NIYO NA SIYA ANG NAGSAMANTALA SA AKIN!” saka pilit ko silang inaabot ng paa ko! Naku! Kung ako nakalaya dito ihanda niyo mga mukha niyo sa sipa ko! “MAGDEDEMANDA AKO!”
“Ang lakas ng loob mong baliktarin ang sitwasyon!” sigaw ng isang babae.
“WALA AKONG PAKI SA IYO! BAKIT BA NANDITO KAYONG LAHAT?” halos lumuwa na ang tonsils ko kakasigaw, bakit ba buong barangay nila nandito na? May mga dala pa silang torch at mga itak, ano ito? Nakakatakot ang tao dito!
“Mahal namin lahat si Senyorita Maria at hindi kami makakapayag na dumihan mo ang pagkatao niya!” sigaw ng isang lalaki
“BULLSHIT!” Sigaw ko pabalik, nagpumilit akong tumayo pero naharangan nila ako, pasalamat sila! pasalamat sila nakatali ako!
“Toffer...” lumapit sa akin si Mommy “What have you done?” tanong niya sa akin na pabulong habang palingon-lingon sa mga weirdong taong nasa harap namin.
“WALA! ANO BA MA! KILALA MO AKO, I WILL NOT LAY MY HANDS ON HER! ANG PANGIT PANGIT NIYA KAYA!”saka biglang may nag-alburutong supporter si Maria, may hawak siyang itak at akmang susugudin ako “MOMMY! MOMMY!MOMMY!” saka humarang si Mommy sa akin, pinigilan nila yung lalaki at nilabas sa mansion.
“Toffer watch your words honey kung gusto mo pang makalabas tayo ng buhay dito...” bulong niya sa akin, I shrugged.
“Please Mom...please tell me it was just a nightmare...” pakiusap ko sa kanya, tinignan niya ang nakataling kamay at paa ko.
“I’m sorry Son...” saka niya hinaplos ang buhok ko “But you have to marry her, bukas!”
And those were the last words I heard from last night before I fainted. YES I FAINTED! DAMN IT! Ilang bola na ng soccer ang tumama sa mukha at katawan ko pero I never fainted, ngayon lang, ngayon lang ng sinabi nilang ikakasal ako sa FREAK na iyon!
Nagising ako ng maramdaman ko ang isang timbang malamig na tubig na binuhos sa akin, ang sama nila!
They let me slept here sa chair habang nakatali. Ang sakit na ng katawan ko! “Buhay pa ba iyan?” rinig kong tanong lalaki, I coughed “Buhay pa!” dugtong niya rin agad.
“Dapat lang! Dapat niyang panagutan ang ginawa niya kay Senyorita!” saka ko idinilat ang mata ko at tinignan sila ng masama.
“ALAM NIYO BANG MARAMI AKONG BABAE?” nakuha ko ang atensyon nila, ngumisi ako “AT LAHAT SILA MAGAGANDA! SEXY! HOT! I’ll bet hindi pa kayo nakakita ng mga tulad nila...” I smirked, nakita kong kumuyom ang mga palad nila.
“LAHAT SILA KAYANG KONG IKAMA! SABAY SABAY!” saka ako dumura “...and what made you think na pagsasamantalahan ko ang tulad ng sinasamba niyong si Maria? IN YOUR DREAMS!” saka ko naramdaman ang malakas na suntok sa pisngi ko.
Damn it! Dinura ko ang dugo at ngumisi sa kanila.“Who do you think you are para suntukin ang napakagwapo kong mukha? HUH?” susugurin nanaman sana nila ako ng biglang sumingit ang daddy ni Maria.
“ENOUGH!” rinig kong sabi niya kaya naman tumigil ang dalawa “Iwan niyo na kami...” binigyan pa nila ako ng nakakamatay na tingin, I pity myself for looking like s**t! Basang basa pa ako at nakatali sa lecheng upuang ito!
“Young man...you will marry my daughter later, so you better take a bath and wear your designated clothes...” saka niya tinanggal ang pagkakatali ko.
“Thank you Sir...” sabi ko saka siya itinulak, dali-dali akong tumakbo para makalabas ng mansion, I need to get out of this- “OH f**k!” natigil ako sa may pinto, may isang batalyon ata silang inihanda para pigilan ako, sa tingin ko mga manggagawa nila ang mga magsasakang ito, may kanya-kanya silang itak.
“Don’t waste your energy anymore.” rinig kong sabi ng Daddy ni Maria, nasa likod ko na siya “It’s useless...” saka siya ngumisi, biglang nanghina ang tuhod ko, DAMN IT! DAMN IT!
---
“ARAY MA!” sigaw ko kay Mommy habang ginagamot niya ang putok kong labi, nasa kwarto kami ngayon at alam kong may sampung lalaking nakabantay sa labas na may dalang itak at yung iba may bow at arrow pa ata! Damn it! Ano ba itong lugar na ito? Nag time travel ba kami? Nakakabanas!
“Kasalanan mo to Ma!” bigla kong sabi “AAH!” saka niya diniinan ang pagpahid ng alcohol sa labi ko.
“Kasalanan ko bang pagnasaan mo si Maria?” sagot niya sa akin, muntik nanaman akong masuka!
“MA! YOU KNOW ME WELL! HINDI SIYA ANG TIPO KO!” My mom shook her head.
“And do you think I will believe that Toffer?” saka niya ako tinaasan ng kilay “I know you that well... wala kang pinapalampas na babae na hindi dadaan sa kamay mo!” saka niya ako binatukan “Manang-mana ka sa Tatay mo! Gusto mo ipatapon kita kasama niya kung saan man siya ngayon?” huminga lang ako ng malalim.
Matagal ng divorced si Mommy at si Daddy, five years old palang ako hiwalay na sila. Dad always brings different woman sa bahay, yun ang nakwento sa akin, kaya hindi na natagalan ni Mommy ang gawain niya, and she filed a divorce! Daddy is living in France, doon ako during my grade school days, pero my Mom told me to stay here in the Philippines when I turned ten. Ayaw niya raw masira ang buhay ko at matulad sa Daddy ko!
Wala akong galit sa Daddy ko, I should thank him for giving me this handsome face na kinababaliwan ng mga babae ngayon. But I also don’t look up to him the way I look up to Mom
I am younger than my classmates ng pumasok ako ng highschool. Two years, three years I’m not sure. I took examinations kaya na accelerate ako, pero isang factor lang yun, we are part owner ng school na pinapasukan ko kaya I have all the advantages. Doon ko nakilala si Sky, my best buddy.
I am living my life with luxury! I have everything I want! s*x! MONEY! CARS! WOMEN! Wala akong naging problema not until I met MARIA!
In my twenty five years of existence masasabi kong perfect ang buhay ko! And It will end...mamaya!
“Mom, kala ko ba mahal mo ako?” tanong ko sa kanya saka sinuot ang sando na kanina pa niya pinapasuot sa akin, naka black pants na rin ako at nakahanda na rin ang black shoes, pwede bang black shirt na rin ang isuot ko?
“Oo mahal kita, kaya nga tinamatama ko ang mga kagagohan mo!” sagot niya sa akin, nanlaki ang mata ko ng iniabot niya sa akin ang isang barong na halata na ang kalumaan.
“You are not going to force me to wear that s**t!” sagot ko sa kanya saka tumayo “Ma ang baho! Amoy baul!”
“Of course anak, I will not force you to wear this...” saka siya ngumiti sa akin “Bakit yung mga bantay sa labas ang gusto mong magpasuot nito sa iyo?”
“Tsss!” saka ko hinablot ang mabahong barong, isinuot ko iyon kahit kinakati ako!
“Tara na... inaantay kana ng magiging asawa mo...” saka niya hinawakan ang braso ko, binuksan ni Mommy yung pinto ng kwarto, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga bantay sa labas, seryoso silang nakatingin sa akin at mahigpit ang hawak sa mga itak!
Naglakad kami ng ilang kilometro paakyat ng burol, doon kasi ang setting ng kasal, ang weirdo talaga ng mga tao dito! Hinihingal pa ako ng makarating kami doon. Nakakapit si Mommy sa arm ko at iginayak kami ng isang babae sa tabi ng isang mahabang upuan, sabi niya doon daw ako tatayo at hihintayin ko daw ang magiging asawa ko.
I frowned ng makita ko ang paligid ng burol, lahat ng mga mata ng supporters ni Maria ay nasa akin, nanlilisik lahat iyon, napatingin ako sa itak na nakasabit sa beywang nila. Kinilabutan ako ng maisip ko na pwedeng-pwede akong ipira-pirasuhin nun! M
The music suddenly started to play.
Napatingin ako sa gawing kaliwa ko, may tumutugtog sa piano. Buti na lang hindi mga bamboo sticks ang instrument na ginamit nila.
Napatingin ako kay Maria habang naglalakad siya palapit sa akin. Nakasuot siya ng isang putting gown na halatang out of fashion. Hawak hawak niya ang isang kumpol na bulaklak. White Roses iyon.
Nakaladlad ang mahaba niyang buhok at kitang-kita ko ang makinis niyang mukha dahil hindi siya nakasalamin ngayon.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang paningin namin.
SHIT! BULLSHIT!
Dahil lang ito sa kaba... kaba na baka tadtarin ako ng mga tauhan niya! Oo yun lang yun, k-kasi...kasi pangit parin siya ngayon! Nakita ko ang pag galaw ng namumula niyang labi, parang may sinabi siya sa ama niya habang inihahatid siya papunta sa akin.
Ngumiti ang ama niya sa kanya, nakita ko ang pamumula ng pisngi niya ng makalapit na siya sa akin. “Ingatan mo ang anak ko...” rinig kong sabi ng ama niya “Gaya ng pag-iingat mo na hindi masira ang mukha mo...” napatingin ako sa nagbabantang ama niya, napalunok ako at napatingin sa paligid, nanginginig kong inabot ang kamay niya at inilaka siya sa harap ng altar.
Inalalayan ko siyang makaupo at kapwa kami humarap sa pari. Open area kaya naman malakas ang hangin, nakikita ko ang paghawi ng buhok niya, nakatingin lang siya sa pari kaya ganun na lang din ang ginawa ko.
“Magandang umaga sa inyo...” bati ng isang napakatandang pari “Iho bagay na bagay ang barong sa iyo...tila inihabi iyan para humusto sa iyo...” I hissed “Sa tingin ko, isinulat na ng kapalaran ang pag-iisang dibdib ninyo ni Maria... tulad ng mga kasal ng kanunu-nunuan niya...” nanlaki ang mata ko.
“What do you mean?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ba nasabi sa iyo na ang suot mo ay ang parehong barong na ginamit ng lolo ng lolo ni Maria?” bigla kong naramdaman ang pangangati sa may tagiliran ko “At tradisyon na rin na hindi labhan at itago ng maayos ang nasabing barong...” halos tumigil ang paghinga ko ng malaman iyon.
Napasandal ako sa upuan at tumingala!
ALAM KO PONG MARAMI AKONG PAGKAKAMALI SA BUHAY! PATAWARIN NIYO NA PO AKO!