Chapter 4
Toffer
Halos malagutan na ako ng hininga, buti napatapos ko pa ang wedding ceremony.
DAMN IT!
Kating-kati na ako sa suot ko. Kakatapos lang ng ‘you may kiss the bride’ na part kung saan dapat kong halikan si Maria sa labi, pero hindi ko iyon ginawa, ano ako hilo? Nasa matino akong pag-iisip at hindi ko hahayaang dumampi ulit ang kissable lips ko sa mga labi niya! Tama na ang isang pagkakamali!
Nakahinga ako ng kaunti ng tinanggal ko ang tatlong butones sa mabahong barong na pinasuot nila sa akin.
“Maligayant bati...” bati nila sa aming dalawa, ngumisi lang ako at tinaasan sila ng kilay, bakit ba?
Eh sa ayaw kong magpanggap na nagugustuhan ko ang nangyayari eh. Napatingin ako sa mga alagad ni Maria na may hawak na itak, nakatayo parin sila at masamang nakatingin sa akin.
I never imagined na ganito ang magiging kasal ko. “Halina na kayong dalawa, tayo ay bababa na ng burol at itutuloy ang kasiyahan sa mansion...” rinig kong aya ng isang matandang babae na sa tingin ko ay mayordoma nila.
KASIYAHAN YOUR FACE! KAYO LANG NATUTUWA!
Lumapit ako kay Mommy para kunin ang cellphone ko, naalala ko kasi ang sinabi ni Maria na dito daw may signal, tatanggi pa sana si Mommy pero wala pa siyang nagawa, naglakad ako paikot ng burol, grabe, wala kahit isa.
Pinagpapawisan na ako, natapat ako sa isang puno, itinaas ko lalo ang kamay ko para makasagap ng signal pero wala parin.
I decided to climb the tree at napangiti ako ng nakasagap yun ng isang bar, I dialed Sky’s number right away.
“DUDE!” agad kong sabi ng masagot niya ang tawag ko.
“Tof?” sagot niya na parang wala rin sa mood ngayon, malapit ng mag alas diyes ng umaga.
“Yes...Yes Dude, ako ito...” para akong baliw na nakakapit sa sanga ng puno para lang hindi mahulog at hindi mawala ang signal na nasagap ko.
“Saan ka ba? I called you hundred times but I can’t reach you...” sagot niya.
“Pare mahabang kwento, pero I need you to rescue me...” saka ako nakaramdam ng kirot sa may batok ko at may kung anong gumagapang sa likod ko.
“WHAT? SAAN KA BA?” saka ako napangiwi ng naramdaman ko ang masakit na kagat sa bandang gitna ng likod ko, nakabitaw ako sa puno.
“ARRGHHH!” napatayo ako agad dahil naramdaman ko ang pagsugod ng langgam sa buo kong katawan “DAMN IT! DAMN IT!” I carelessly removed the barong at pilit na pinupunasan ang likod ko, I saw the red spots all over my body.
“DUDE! SAAN KA?” rinig kong sabi ni Sky sa kabilang linya, I tried my best to answer him.
“KIBOK-KIBOK PARE! ARHGHH!” saka ko nabitawan ang cellphone, ang lalaking langgam ang kumakagat sa akin!
“ANONG NANGYARI SA IYO?” tanong ni Maria sa akin saka siya lumapit, tuluyan kong pinunit ang barong at hinubad ang tshirt sa loob niyon para matanggal iyon sa katawan ko, naramdaman ko ang pagtulong ni Maria para pagpagin ang mga langgam na nasa katawan ko.
“Bakit ba kasi umakyat ka dyan? Eh bahay nila yan!” saka niya tinuro sa akin ang nagkumpulang dahon ng puno, doon ko nakita ang mga langgam, siguro kung gagamit ako ng microscope ngayon, I will see it clearly that they were all glaring at me!
“ALAM KO BA? HUH?” sigaw ko sa kanya, napatingin siya sa ibaba at namumula ang pisngi, problema nito?
Hinagis ko ang barong ko sa kanya, sinalo niya iyon, pinulot ko ang tshirt ko sa damuhan saka naglakad palayo sa kanya na hubad ang pang-itaas na katawan.
Nakita ko ang pagtingin ng tao sa akin habang naglalakad ako sa ilalim ng sikat ng araw at exposed ang maganda kong katawan.
Nangisi ako, iba talaga ang kagwapohan ko!
Napatingin ako sa may abdominal muscles ko na matagal ko ng inaalagaan saka ako napatingin ako sa mga tao, gusto kong sumigaw sa kanila na, ‘ITO? ITONG GWAPO SA HARAP NIYO NA HALOS PATULUIN ANG LAWAY NIYO PAGNANASAAN ANG TULAD NG BABAENG IYON?’
Tsss! Kung wala lang itak na nakaabang sa akin kanina ko pa sinigaw iyon. I looked at Maria na bumawi ng tingin sa akin ng mahuli ko siya. She is so pathetic! Baka nga hindi ako mabigyan ng anak niyan eh!
“Honey...” lumapit sa akin si Mommy saka hinaplos ang buhok “I’m proud of you! You are a family man now...” saka siya ngumiti, I rolled my eyes at her.
“Stop it Ma!” tinanggal ko ang kamay niya “It was all because you forced me...” sagot ko sa kanya saka siya tinalikuran, inabot ko yung lubid ng kabayo mula sa lalaki, obvious naman na dito kami sasakay eh.
“Sir, hintayin lang po natin si Senyorita Maria...” I hissed, whatever! Kumunot ang noo ko ng huminto siya sa tapat ng kabayo, nakayuko siya at hindi makatingin sa akin “Ano ba? Ano inaantay mo dyan? Pasko? Gusto ko ng magpahinga!” pagalit kong sabi sa kanya.
“K-kasi...Kasi...” rinig kong bulong niya.
“ANO?” napaawang ang bibig ko ng hinila niya ang tshirt ko na nakasabit sa balikat ko saka niya inabot sa akin.
“Isuot mo ang iyong kamiseta...” ngumisi ako at napailing, naiilang siguro siya, ngayon lang siya nakakita ng katawan ng lalaki? O ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang katawan? Sigurado akong pareho ang rason. Huh!
Hinila ko iyon sa kamay niya saka sinuot “HAPPY NOW?” tanong ko sa kanya, tumango siya saka siya inalalayan ng mga alagad niya na makasakay sa puting kabayo at pumwesto sa harap ko. Naamoy ko ang buhok niya na amoy strawberries.
“Hold on tight!” sabi ko saka sinipa ang kabayo, kapwa kami nakahawak sa lubid para hindi mahulog.
For me, riding a horse is like dating a woman. It feels so familiar.
Sa tuwing sisipain ko ang kabayo, naiilang ako na baka mahulog siya kaya I wrapped my left hand around her waist at dumikit pa lalo sa kanya. Isang lang ang ginamit ko na panghawak sa lubid ng kabayo and I let the horse slows down a bit.
“Natutuwa ka ba sa nangyayari?” may galit na tanong ko.
“A-Ah? K-kasi...” hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya, malambot pala siya. Para siyang unan na masarap yakapin, pero hindi ko siya yayakin ah! Asa siya! “P-Patawad!” rinig kong sabi niya, nakita ko na ang mansion nila at ang mga taong nag-aantay sa amin.
Sinipa ko ang kabayo kaya biglang bumilis ang takbo nito, naramdaman ko ang pagkapit niya sa kamay ko na nakapalibot sa beywang niya“Hindi ko sinasadya...” she added.
“Sa tingin mo may magagawa pa yang sorry mo ngayon?” Tanong ko sa kanya saka hinila ang lubid ng kabayo dahilan para huminto ito, nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin, maybe it is their way of welcoming the newly wed.
Una akong bumaba saka hinahawakan ang magkabilang bewyang niya para alalayan siyang makababa.
Hindi siya makatingin sa akin at namumula ang pisngi niya. Napangisi ako.
“Maria, I want to make it clear to you, kahit asawa mo na ako, you are not allowed to fall for me.” napatingin siya sa akin saka lumunok.
“Oo... n-naiintindihan ko...” sagot niya saka yumuko ulit, nilapit ko ang mukha ko sa kanya, napalunok din ako...t-teka... bakit?
Agad kong inilayo ang mukha ko sa kanya.
“Bakit?” hinawakan niya ang kamay ko nakalagay sa harap ng dibdib ko, nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya, lalo tuloy bumilis yung- “Masakit ba ang dibdib mo? Nais kong malaman ng makagawa tayo agad ng lunas...” napaatras ako, at nanginginig ang kamay, b-bakit? B-bakit? Mangkukulam ba siya?
“WALA!” sagot ko sa kanya saka agad pumasok sa loob ng mansion. I took a deep breath saka kumuha ng champagne na inaalok sa mga bisita. Naka apat na baso na ako at nararamdaman ko na ang pag-iinit ng katawan ko.
Naglakad ako palibot ng bahay. Dito kasi sa malaking sala nila pinapapasok ang mga bisita. Napahinto ako sa harap ng isang grand piano. I opened the cover of it at saka pumindot ng ilang nota.
“She loves this piano...” napatingin ako sa nagsalita, ang mama pala ni Maria “And that...” napatingin kami sa isang malaking portrait sa taas noon, ngayon ko lang napansin ito.
“That was taken when she was just 16 years old...” napatingin ako sa malaking portrait “Ang ganda niya di ba?” Maria showing the side views of her face while holding a bouquet of red roses. Tinitigan ko iyon ng mabuti. She let her long curly hair fell up to her elbow.
Napangiti ako, oo maganda nga siya dito at nangibabaw ang inosente at simple niyang mukha kahit pa plain blue lang ang background.
“Maria loves to sing and play this piano...” napatingin ako sa mama niya, malungkot ba siya? Anong nangyari? Maganda naman pala si Maria noon eh, bakit ngayon ganun na siya? Di ba dapat after puberty doon na nag start maging attractive, anyare sa kanya?
“Did... D-Did she stop?” bigla kong tanong, out of curiosity.
“Yes...” maikling sagot ng Mama niya “After her sister died...” nanlaki ang mata ko.
“S-Sister? Akala ko nag-iisa siyang anak?” napangiti sa akin ang mama niya.
“Maria has a twin sister... they really look like each other na kahit kami ng ama niya nahihirapan sa kanilang dalawa...” saka mahinang tumawa ang mama ni Maria, pero nakikita ko parin ang lungkot sa mga mata niya.
“Parehas silang mahina ang puso, akala namin noon kahit isa sa kanila walang mabubuhay pero we are blessed enough na...”napalunok siya “Na nabuhay pa si Clara hanggang 16th birthday nila...”
“Clara?” kumunot ang noo ko. Ah Clara pala ang pangalan.
“Maria Clara...” sagot sa akin ng mama ni Maria “Her twin Sister they love each other kaya nung nawala ang kapatid niya para na ring nawala ang lahat sa kanya...” she took a sip from her glass of champagne saka ulit nagpatuloy.
“Parang... parang tinago niya ang sarili niya hindi naman siya ganyan eh nagbago siya at hindi namin napigilan ang pagbabagong iyon dahil...” she looked down “dahil habang nagluluksa kami sa pagkamatay ng kambal niya sinubsob namin ang sarili namin sa pagtratrabaho, minsan nga umabot pa sa punto na halos minsan na lang sa isang taon kami magkita...”
“Nagsisisi kami ng asawa ko dahil nakalimutan namin na may natira pa sa amin na may dapat pa kaming paglaanan ng atensyon... lahat yun nakalimutan namin ng nawala sa amin si Clara... napabayaan namin si Maria...” napayuko ako saka napatingin ulit sa portrait niya.
“It has been seven years Toffer...” rinig kong sabi ng Mama niya “And I think Maria should move on... 23 na siya at... at ayaw ko na mauwi lang sa wala ang buhay niya... Siya na lang ang natitira sa aming mag-asawa...” hinawakan niya ang magkabilang kamay ko, nanlaki ang mata ko at medyo napaatras dahil doon.
“Wag mo siyang sasaktan... alagaan mo siya at ipadama mo ang pagmamahal na pinagkait namin sa kanya ng mahabang panahon.”
She was about to cry after telling me all of that. Bigla akong nakaramdam ng pag kailang. Why are these people suddenly giving me a big responsibility?
“Toffer...alagaan mo si Maria...” napalunok ako “Alagaan mo siya...Ipangako mo sa akin.”