Chapter 50 Maria Parehas kaming tahimik habang pauwi ng bahay, walang gustong magsalita at pareho kaming naiilang sa bawat isa. Totoo ba yung narinig ko kanina? Hindi naman ako bingi di ba? Napatingin ako sa kanya ng una siyang bumaba ng kotse at dumiretso sa loob ng bahay. Hindi niya ako pinansin o nilingon man lang. Nagseselos siya pero sinusungitan nanaman niya ako ngayon. Hindi ko talaga siya maintindihan! “What happened?” salubong ni Terrence sa akin, kagagaling lang niya ng school, ngayon kasi ang unang araw niya after the holiday break, tinignan ko lang siya matapos niyang magtanong, ibinaba niya ang bag niya saka inaya ako sa may garden “Nag-away nanaman kayo?” tanong niya at dumating na rin si Anna habang dala ang maiinom. “Hindi ko naman gusto...” sagot ko saka napayuko “Na

