Chapter 51 Maria “H-Huh?” tanong ko sa kanya ng hindi ko alam ang isasagot ko “A-Ah kasi nakita ko yung bill natin kanina, sobrang laki na, makakatipid na tayo sa kuryente kung m-mags-share na tayo ng kwarto s-simula ngayon...” nauutal niyang sagot sa akin habang patingin-tingin sa iba’t ibang direksyon “P-Pero kung ayaw mo edi-“ “HINDI!” sagot ko agad, I looked down saka huminga ng malalim “K-Kasi hindi lang ako makapaniwala na gusto mo akong matulog sa kwarto mo, dati kasi...d-dati kasi ni ayaw mong hawakan ko ang gamit mo...” sagot ko saka umiwas ng tingin. “I’m just being p-practical...” sagot niya “Isa pa yun naman dapat ang set-up ng mag-asawa di ba?” tanong niya ulit sa akin, napatingin ako sa kanya “Halika na!” aya niya saka inabot ang kamay ko, napatingin ako sa mukha niya ha

