Chapter 44 Maria “BAKIT PA AKO SASAMA?” sigaw niya sa akin matapos ko siyang piliting sumama sa akin papuntang palengke, ugali talaga ng lalaking ito, malapit na naming makompleto ang simbang gabi lahat-lahat ang sama parin ng ugali! “Magpapatulong lang naman ako sa iyo eh...Maraming kailangang bilhin sa palengke!” sagot ko, nakabihis na ako at anumang oras pwede ng umalis. “MAGPATULONG? ANG DAMING KATULONG DITO BAKIT HINDI NA LANG SILA ANG UTUSAN MO?” pagtataas niya ng boses sa akin, ewan ko kung ano nanaman ang kinakainis niya, pagbalik ko sa kwarto ganyan nanaman siya! “Nakasanayan ko ng ako mismo ang nag aasikaso ng mga ihahanda para sa Noche Buena mamayang gabi kaya ako mismo ang nagpupunta ng palengke para mamili! Saka bakit kaba sumisigaw?” tanong ko sa kanya ng malumanay. “AK

