Chapter 45 Maria “SABI SA MAY BALIKAT EH! KAMUTIN MONG MABUTI!” sigaw niya sa akin habang nakadapa sa kama, siya na nga nag-uutos, lakas pa makasigaw “A-AHHH DAHAN-DAHAN!” sigaw niya ulit. “Ano ba talaga?” tanong ko saka tumigil sa pagkamot at paghilot ng likod niya, pulang-pula na iyon, ilang beses na rin siyang naligo at ibinuhos na rin ang ilang boteng alcohol sa likod niya pero lalo lang namumula iyon “Yaan kasi ang sabi sa iyo eh, dapat di kana nagbuhat, makati talaga yung palay!” sabi ko saka naupo sa gilid ng kama. “Kasalanan mo ito eh...” sabi niya saka umupo, pulang pula ang katawan niya, nagkaroon ata siya ng allergic reaction dahil sa palay. “Wag mo na kamutin, baka magsugat na!” pigil ko sa kanya saka ko hinawakan ang kamay niya, saglit nagtama ang mga mata namin at agad

