Tahimik lang ako habang nasa byahe at inabala na lamang ang aking sarili sa pagtingin sa labas ng bintana. Wala kaming gaanong kasabay na sasakyan sa highway kaya tuloy tuloy lang ang aming byahe. Marahil dahil week end ngayon ay mas pinili na lang ng iba na manatili sa bahay kesa ang magliwaliw sa labas. Habang papalayo ang tinatakbo ng sinasakyan naming kotse ay nagbabago din ang tanawin na nakikita ko sa labas ng bintana. Unti unting nababawasan ang mga matataas na building at establishment at napalitan ng mga puno at mga bundok. Pati na rin ang simoy ng hangin ay nagbago na rin. Naamoy ko ang sariwang hangin na dumadampi sa aking pisngi, nanunuot ang lamig sa aking katawan na naghahatid ng masarap na pakiramdam. Mas lalo ko namang niluwagan ang pagkakabukas ng bintana para mas puma

