Kinabukasan as I expected maaga na naman niyang ginulo ang buhay ko. Nakakainis dahil ni hindi man lang ako nakapag ayos ng sarili. Samantalang siya ay fresh na fresh ang dating nito. Labis ang pagpipigil ko sa aking sarili dahil may parte ng isip ko na naguudyok sa akin na sugurin ito ng yakap at pugpugin ng halik hanggang masaid ang amoy nito! Jusko! "Good morning sleepy heads! Wake up time na baby!" Masayang sabi nito habang hinahawi ang kurtina sa kwarto ko. "It's too early!" Angal ko, halos magsalubong ang mga kilay ko sa yamot dahil sa pagkabitin ng tulog ko. Medyo puyat pa ako dahil hindi agad ako nakatulog kagabi. At siya ang may kasalanan nun! Pati ang panaghinip ko ay ginugulo niya. "Its almost seven am, its not healthy for you na lagi ka na lang nakahiga sa higaan!" Masig

