Nagkulong lang ako buong maghapon sa aking kwarto. Para makaiwas kay Samuel, laking pasalamat ko na hindi naman niya ako kinukulit. Kinakatok lang niya ako sa kwarto kapag oras na ng pagkain. At siya na rin mismo ang naghahatid ng pagkain sa silid ko. Ayoko man aminin pero masarap sa pakiramdam ang mga ginagawa nito. He treat me special and make it sure my safety specially my babies. Para talagang siya ang ama ng dinadala ko na sobra ang pag iingat sa akin. Ganito pala mag alaga ang isang Samuel Montefalcon! Nakakaramdam naman ako ng guilt, ngunit hindi ko alam kung para kanino? Para ba kay Aries, dahil pinagkakait ko sa kanya ang karapatan niya bilang ama ng mga anak ko? O para kay Samuel na hinahayaan kong umako ng responsibilidad na hindi naman sa kanya? Hays! Maloloka na ako sa pag

