Agad akong napamulat ng mata ng makarinig ng mga kaluskos sa paligid. "S-Samuel…" sambit ko sa pag aakalang ang binata ito. Ngunit laking gulat ko ng ang nakangiting mukha ng lola nito ang bumungad sa akin. "Apo, pasensiya na kung naistorbo ko ang tulog mo! Nagaalala lang kasi ako at tanghali na ay hindi ka pa lumalabas sa kwarto mo." Nakangiting sabi nito. "Pinagod ka ba ng husto ng apo ko ihja? Hays talagang batang yun! Pinaalalahanan ko na eh!" Dugtong pa nito. Napapahiya naman akong ngumiti sa kanya. Dama ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Jusko! Kahit kailan talaga si lola! Paano naman ako papagurin ng apo niya eh nagwalk out nga kagabi. Kainis! Napuyat pa ako kakaantay sa pagbalik nya! I felt guilt dahil sa nangyari. Alam kong nagalit ito, ngunit hin

