Dama ko ang pagangat ko sa hangin, pakiramdam ko ay para akong dinuduyan sa ulap. Pilit kong iminulat ang aking paningin ngunit sadyang hinihila ako patungo sa kawalan. Halos manginig ang katawan ko dahil sa panunuot ng lamig sa aking kalamnan. Hatid ng malakas na ihip ng hangin. Kung hindi dahil sa coat ni Samuel na pinasuot nito sa akin kanina ay baka tuluyang nanigas ang katawan ko sa lamig. Hindi ko maiwasang singhutin at pasimpleng amuyin ang nakakahalina nitong amoy na nagbibigay ng masarap sa pakiramdam sa akin. Marahan lang ang paglakad nito habang pangko ako sa kanyang bisig. Dinig ko pa ang mahinang yapak niya, gawa ng suot niyang sapatos. "S-Samuel…" mahinang tawag ko. "Yes, babe! I'm here." Bulong nito sa aking tenga. Mariin ko na lamang nakagat ang pang ibabang labi ko. D

