Tahimik ang lahat at ang tanging malakas na t***k ng dibdib ko lang ang aking naririnig. Dama ko ang tensiyon na bumabalot sa paligid, ni kahit tingin ay hindi man lang nila ako matapunan. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng sobrang lungkot dahil sa nangyayari. I miss my kuya, yung maingay, makulit at laging nag aalala sa akin. "Cass, ihja! stop crying, Makakasama yan sa mga baby mo." Nag aalalang sabi ni Mommy. Hindi ko na namalayan na tumutulo na naman pala ang mga luha ko. Magmula ng umalis si Doctor Anthony ay hindi ko na narinig pa na nagsalita si daddy at kuya. Seryoso lang ang mukha nilang dalawa at panay buntong hininga lang ang maririnig sa kanila. "Damn!" Mahinang mura ni kuya ngunit umabot pa rin sa pandinig ko. Napatingin ako sa gawi nito. Nakita ko ang pagbago n

