Mabilis na lumipas ang mga araw at ang buwan. Lalabas na ang mag ina ko sa ospital. Ngunit ang tagpong masaya sana ang lahat ay napuno ng pag alala. Lahat kami ay natatakot sa magiging reaksyon ni Cassandra. Wala na kaming pagpipilian pa kundi ipaalam sa kanya ang totoong nangyari kay Sam. Kaya bago pa man kami tuluyang lumabas ay kinausap ko na muna ito. "Babe!" Malambing na tawag ko sa kanya, agad naman itong lumingon. Ang walang kamalay malay na asawa ko ay bakas ang pananabik na masilayan ang isa pa niyang anak sa unang pagkakataon. "Why?" Nakangiting tanong nito. Isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago ako muling nagsalita. "I have something to tell you before we go to Sam." Panimula ko. I saw prawn on her face. "What is it?" Tanong nito. "I want you t

