Nakakabingi ang lakas ng t***k ng puso ko habang papalapit sa condo ni Aries. Nagpaiwan na lang si Trish at ate Jean sa kotse, para makapag usap daw kami ng maayos. Kung anu anong senaryo ang pumapasok sa aking isipan habang nakatayo sa labas ng pintuan ng kanyang condo. May parte ng utak ko na nagsasabi na umalis na at wag na siyang kausapin. Ang kabila naman ay naguudyok na pumasok na at ituloy na ang sadya ko rito. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Kailangan ko pa bang ipaalam kay Aries ang lahat? Ofcourse, Cassandra! Dahil siya ang ama! Akma ko na sanang pipindutin ang doorbell ng bigla akong makarinig ng tunog, hudyat ng pagbukas nito. Dama ko ang paninigas ng katawan ko, hindi ko kayang iangat ang paningin ko sa kanya. I dont know why I feel this way? Bahagya pa akong napaigt

