bc

My 4th Wish

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
slice of life
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

One Shot Story

***

What if your life is just limited ..

When your almost perfect life goes the other way around?

What will you do?

If you already know that you're dying?

How can you react?

Will you scream,

And tell the world that you're sick?

Blame God and do rebel things you want with your remaining days?

Is it enough to ease the pain?

I just wish I planned my life itself,

But it doesn't and will never be.

Can someone join me with this pain instead?

Can HE change my perspective in life?

If He's dying too?

chap-preview
Free preview
My 4th Wish (One Shot Story)
"Sana gumaling na ko." "Sana matupad ko ang pangarap kong makapagpatapos at mapuntahan ko pa ang Jeju Island." "Sana palagi pa rin kaming masaya ng pamilya ko." "Sana makita ko ulit sya.." hiling ko habang nakatingala sa buwan at mga butuin. Sya, ang nagbigay nang lakas ng loob sakin kahit hindi nya alam, nung panahon na hindi ko na alam ang gagawin ko. gusto ko ulit sya makita kaya palagi ko dinadasal na sana magkita ulit kami. sabi kasi nila, kapag taos sa puso kang humiling ibibigay ito sayo ng maykapal wala naman masama kung maniniwala diba? "Roshen! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala tara na hinahanap ka na ni mama papagalitan ka na naman nun eh.." hinihingal na sabi nya sakin. "S..sorry nagpahangin lang naman ako." sagot ko sa kanya. "Nagpapahangin nga lang ba? O baka naman hinihintay mo na naman sya?" nanunuksong tanong nya sakin. "hmm.." nasabi ko na lang totoo naman kasi eh. "Sus oo na! tara na nga baba na tayo." yaya nya sakin. --- "Saan ka na naman galing na bata ka! Naku naman baka mabinat ka nyan eh!" pagkapasok pa lang namin ni ate yan na ang narinig ko kay mama. "Ma. Palagi na lang ganyan ang linya nyo nandon lang naman si roshen sa may tulay malapit satin kaya wag ka na mag aalala." si ate na ang sumagot para sakin. tumingin ako sa ate ko at ngumiti ako sa kanya, nag thumbs up naman sya sakin. Naging over protective na kasi sakin si mama pagkatapos ng nangyari. "Sige na matulog ka na." pahabol nya bago sya pumasok ng silid nya. ako naman ay nag ayos at nag bihis na ng pang tulog ko. nagdasal muna ko pagkatapos ay nagpunta ako sa may bintana sa silid ko at gaya kanina pumikit ulit ako. "Sana makita ko ulit sya.." yan palagi ang pang apat na hiling ko. apat na taon na din kasi ang nakalipas matapos ang lahat, ang mga salitang nagpaguho ng mundo ko. "Ayon sa resulta ng mga test na ginawa namin sayo, meron kang stage 3 leukemia. Bata ka pa lang meron ka na nito dahilan kung bakit ka palagi nahihilo at may mga pasa sa katawan." inayos nya ang salamin na suot nya at lumunok bago tumingin ulit samin nila mama. "Apat na buwan ka na lang maaaring mabuhay. Isina-suggest kong magpa chemotherapy ka. Pero tatapatin ko na ho kayo hindi ito magiging madali para sa pasyente." Nawalan ako ng ganang mabuhay pagkatapos kong marinig yun. nagrebelde ako sumali sa mga sorority, nag bar at kung ano ano pa. Hindi ko matanggap, apat na buwan?! ganun na lang kadali sabihin yun? na parang magbabakasyon lang ako sa malayong lugar?! gustong gusto ko magalit sa mundo. bakit sa dinami dami ng masasamang tao dyan ako pa ang binigyan nya ng ganitong sakit. Nagalit ako sa KANYA. Gusto ko sya sisihin sa lahat, mabait naman ako diba? pero bilang na lang ang araw ko dito sa mundo. "eto ba ang gusto mo?" natanong ko sa sarili ko habang umiiyak at nakatingala sa taas. pero nagbago ang lahat ng makilala ko ang isang tao na hindi ko inaasahang magbibigay ulit ng pag asa sakin .. tandang tanda ko pa ang sinabi nya nung araw na yun. ---- Isang gabi, nandito ako ngayon sa labas ng bar .. pakiramdam ko umiikot ang paningin ko at nagiging dalawa ang daan. huminto muna ako sa may tulay .. kung tulay nga ang nakikita ko dalawa kasi eh. "B..BAKIT AKO PA?! ANG DAMI DAMI DYAN NA MASASAMA PERO BAKIT AKO PA ANG BINIGYAN MO NITO!! *sob* M..MADAMI PA KONG PANGARAP! GUSTO KO PA MAKAPAG TAPOS AT MAKILALA ANG TAONG *sob* P..PARA SAKIN.. PERO BAKIT BINABAWI MO NA AGAD ANG BUHAY KO?!" sumisigaw na sabi ko pero nagtaka ako ng parang may kasabay akong nagsalita, nag echo ito sa tahimik na paligid. b..boses ng isang lalaki .. "B..BAKIT AKO PA?! ANG DAMI DAMI DYAN NA MASASAMA PERO BAKIT AKO PA ANG BINIGYAN MO NITO!! *sob* M..MADAMI PA KONG PANGARAP! GUSTO KO PA MAKAPAG TAPOS AT MAKILALA ANG TAONG *sob* P..PARA SAKIN.. PERO BAKIT BINABAWI MO NA AGAD ANG BUHAY KO?!" nawala ang hilo ko nang mapalingon ako sa kabilang dako ng tulay at nakita ko ang lalaking narinig kong sumigaw. katulad ko umiiyak din sya. damang dama ko ang sakit na nararamdaman nya .. dahil pareho lang kami ng iniisip, pareho lang namin tinatanong sa diyos kung bakit ako pa .. napalingon din sya sakin, nagtama ang mga mata namin at kitang kita ko na nagulat din sya ng marealize nyang may kasabay syang sumigaw at parehas pa ang sinabi. pero mas nagulat ako ng akmang tatalon sya sa tulay na sa tingin ko ay 10 ft ang lalim, magpapakamatay yata sya! 0_0 dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan nya kahit nahihilo pa din ako.. mabilis kong hinawakan ang braso nya para pigilan sya sa kung ano mang binabalak na gawin nya. "ANO BA?! BITAWAN MO NGA AKO! SINO KA BA?!" galit na sigaw nya sakin. ako na nga tumutulong nagalit pa =_= "Sa tingin mo ba kapag tumalon ka dyan *turo sa tulay* madadagdagan ang buhay mo?!" natigilan sya kaya tinuloy ko pa ang gusto kong sabihin. "hindi diba?! dahil lalo mo lang pinapaikli ang dapat sanang mas matagal mo pang buhay!" hindi ko alam kung paano ko nasabi sa kanya yun. gayong ako din naman sinisira ko ang buhay ko eh. siguro kasi pakiramdam ko nakahanap na ko ng kakampi .. na makakaintindi sakin .. "WALA KANG ALAM! KAYA WAG MO KO PAKIALAMAN! HINDI MO BUHAY TO! KAYA KUNG AKO SAYO UMALIS KA NA!!" sinampal ko sya hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko at nasampal ko sya. "Hindi ko nga buhay ang sinasayang mo. pero tandaan mong hiniram mo lang din sa kanya ang buhay mo." mahinahon na sabi ko sa kanya mukhang natauhan sya sa sinabi ko at hindi na nagsalita pa ulit. sa tingin ko nagising din ako sa isang masamang panaginip .. parang nakita ko ang sarili ko sa kanya. tatalikod na sana ako nang .. "My dream is to be a photographer." napalingon ako ng bigla syang magsalita. Hindi na ko kumibo at hinayaan na lang syang magsalita. "Gusto kong kuhanan lahat ng mga magagandang bagay, lugar at pangyayari sa mundo.. Gusto kong magsilbing saksi ang camera ko sa lahat ng mangyayari sa buhay ko.." umupo sya kaya naupo na din ako. tahimik na nakikinig sa mga sasabihin nya. "Nakapasa ako sa isang university kung saan ako nag exam pinagbutihan ko ang pag-aaral ko para makapagtapos ako ng may ipagmamalaki sa lahat." bigla syang yumuko bago magpatuloy sa sinasabi nya. "One day, kailangan nilang magpadala ng exchange student sa france, sa hindi inaasahang pagkakataon ako ang napili nila. I'm so happy that time because finally I can pursue my dream there." nakita kong ngumiti sya habang sinasabi yun, na parang kelan lang ang lahat na sana ayos pa ang lahat. "But suddenly, my d-dream faded with just one snap. Nagulat na lang ako isang araw na biglang dumilim ang lahat. literally. sa sala habang nasa study table ako akala ko brown out lang pero hindi pala .." nag-angat sya ng tingin at tumingin sa malayo. kitang kita kong tumulo ang luha nya .. "I h..have this corneatic disorder. It's inherited, Where in there's a possibly that .." tumingin sya sakin at pinagpatuloy pa ang sasabihin nya. "I'll be blind forever.." napahawak ako sa bibig ko ng marinig ko yun .. "P..pero hindi ka ba pwede mag pa eye transplant??" tanong ko at umiwas ng tingin feeling ko kasi maiiyak na din ako kapag hindi ko ginawa yun. "Four months, yan na lang ang ibinigay sakin ng doctor.. Unfornately, wala pa kong donor." four months? katulad ko din pala sya pero pwede pa naman sya mabuhay diba? kahit wala na ang paningin nya. ako hindi na .. "But after 4 months, na hindi napalitan ang mga mata ko .. I will die." nagtatakang napatingin ako sa kanya mukhang alam nya na hindi ko naintindihan ang sinabi nya kaya pinaliwanag nya. "Cancerous ang sakit na meron ako.. bukod sa hindi na ko makakakita, mamamatay din naman ako eh.." napaiyak na lang ako sa narinig ko at .. niyakap ko sya, kahit hindi ko sya kilala alam ko na mabuti syang tao. hinayaan nya lang at niyakap nya din ako pabalik .. sa sobrang hilo na kanina ko pa nararamdaman ay napapikit na lang ako. Paggising ko nasa bahay na ko hindi ko alam kung panaginip lang ba lahat pero bakit parang totoo? "Eto kape inumin mo nakakawala ng sakit ng ulo yan." sabi ni ate habang inaabot ang tasa na may laman na kape. "May naghatid sayo dito kagabi isang binata, hindi ko na naitanong sa kanya kung ano ang nangyari sayo dahil kaagad din syang umalis. ano ba kasi nangyari?" wala na kong nagawa kaya kinuwento ko na lang ang lahat sa kanya. Although alam nilang nagrerebelde ako inintindi pa rin nila ako .. "S..sorry ate *sob* nagkamali ako sana mapatawad nyo pa din ako." umiiyak na sabi ko sa harap ni ate. "Naiintindihan ka namin, pero palagi mong tatandaan ha? Mahal na mahal ka namin." yinakap ko sya at ganun din naman sya sakin. "Paano naman ako?" napalingon kami ni ate kay mama na nasa may pinto. yumakap din kami sa kanya. Mahal na Mahal ko din sila, si mama at ate na lang ang kasama ko sa bahay patay na kasi si papa bata pa lang ako kaya sila na lagi kasama ko. siguro dapat maging masaya na lang ako sa bawat araw na darating pa .. Pinagpatuloy ko ang buhay ko nang may kabuluhan, hindi ko sinayang ang natitirang dalawang buwan ko. Nagpa-chemotherapy na rin ako kaya pakiramdam ko pagod na pagod na ko pero hindi ako sumusuko para sakin at para sa kanila. but, "Miracles do happen to those who believe." Hindi ko inaasahan na pagkatapos ng dalawang buwan ay mabubuhay pa din ako .. sabi ng doctor, nawala na daw ang sakit ko at himala daw yun. masayang masaya ako nung araw na yun. nagpatuloy ako ng pag aaral at nakapag tapos ng tourism .. napuntahan ko na din ang Jeju Island na hindi ko makakalimutan, masaya pa din kami nila mama at ate ko na nakapagpakasal na din at may anak na. dumadalaw na lang sya samin ni mama .. lastly, magaling na din ako .. isa na lang talaga ang hindi pa natutupad sa apat na hiling ko, yun ay ang makita ko sya ulit.. gusto kong magpasalamat sa kanya, at malaman kung nasan na sya. kung gumaling rin sya katulad ko .. O patay na sya. No! scratch that sana naman hindi .. pagkatapos kasi ng araw na yun hindi na ulit kami nagkita pa. paulit ulit pa rin akong pumupunta sa tulay kung saan una kaming nagkakilala .. kung saan, minahal ko siya .. nung una gusto ko lang talaga sya makita at makapagpasalamat pero sa paglipas ng panahon narealize kong hindi na lang yun ang dahilan .. Gusto ko na syang makita dahil mahal ko sya, wala na akong paki alam kung hindi nya ko mahal .. besides hindi ko naman pinipilit na mahalin nya ko sapat na sakin ang mahalin lang sya kahit walang kapalit. ----- "Nandito ka na naman, gabi gabi na lang. Matanong nga kita roshen hindi ka ba nag sasawa kakahintay? apat na taon na din ang nagdaan sa tingin mo ba babalik pa sya dito gayong hindi ka naman nya kilala?" tanong sakin ni ate. nandito kasi ulit ako sa tulay, nagbabakasali na baka makita sya. "Hindi ako magsasawa ate, mahal ko sya eh." napabuntong hininga na lang sya at tinapik ako sa balikat bago umalis. "Maghihintay pa rin ako, kahit gaano katagal hihintayin pa rin kita." nakapikit na sabi ko at pinakiramdaman ang puso ko. sa di malamang dahilan bigla itong bumilis ng t***k .. *dug dug dug* "Sana makita ko ulit sya.." sana nga .. paalis na sana ako dahil sobrang gabi na din at baka hanapin na naman ako ni mama pero .. "Sino ang gusto mo ulit makita?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko .. ang boses nya .. napalingon ako sa nagsalita gusto ko lang makasigurado kung .. 0_____________0 S..sya "Oh bakit gulat na gulat ka naman yata? Akala mo ba namatay na ko? Hahaha." nakangiting sabi nya sakin. mabilis akong tumakbo sa harap nya at niyakap sya .. ang tagal kong hinintay ang araw na to. araw na makita at mayakap sya ng ganito kahigpit. "Kamusta ka na roshen? *smile*" kilala nya ko? bumitaw ako sa pagkakayakap ko at humarap sa kanya. "pinangarap kong maging photographer, ngayon natupad na at nagpapasalamat ako sa isang tao na bumuhay ng pag asa kong yun." hinawakan nya ang pisngi ko at nakita kong may tumulong luha sa mata nya. naiiyak na din ako pero bigla ulit bumilis ang t***k ng puso ko nang ilapit nya ang mukha nya sakin at .. Hinalikan ako. "Ako pala si Fourth Wish. weird name? *smirk* hindi ko alam yan ang pinangalan sakin ng magulang ko eh hahaha." hindi pa rin ako sumasagot dahil hindi pa din nag sisink in sakin ang lahat. bumalik na sya at hinalikan nya ko ibig sabihin ba nun mahal nya din ako? "4 years ago, may isang babae akong nakilala dito mismo *turo nya sa pwesto namin* sya ang nagturo sakin kung paano harapin ang buhay ko kahit alam kong sandali na lang yun." tinignan nya ako ng diretso sa mga mata ko at sinabi ang mga katagang dati ko pa nais marinig mula sa kanya. "Ikaw yun roshen, minahal na kita dati pa. High school pa lang tayo.Noon, natakot akong mabulag dahil baka hindi ko na makukuhanan ang mga magagandang bagay sa mundo," hinawakan nya ulit ang pisngi ko at bigla syang ngumiti. "Pero hindi ko narealize na.. Mas takot pala akong mabulag dahil baka hindi na ulit kita makita, takot na kasabay ng pagkawala ng paningin ko. Ay ang pagkawala ng taong mahal ko. mahal kita roshen.." tuluyan ng tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan ang sarap pala marinig sa taong mahal mo na mahal ka din nya. parang sasabog sa saya ang puso ko. "M..mahal din kita fourth." kasabay ng pagsabi ko nun ay ang pagyakap ko sa kanya. ---- Epilogue Dahil sa kanya, natutunan kong pahalagahan ang pangalawang buhay na meron ako .. Hindi naman natin kailangan sisihin ang mundo kapag hindi ito umaayon sa gusto natin .. Iikot ang mundo kasabay ng pagsisimula at pagtatapos ng isang kabanata nang buhay ng isang tao .. But we need to stay alive for the persons we love .. to gain strength and value hope .. Ngayon .. masasabi ko nang natupad na lahat ng hiling ko .. Especially, to met him again .. I love you fourth :) my 4th wish :'> *The End*

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook