"Walanghiya ang ginawa mo kay Blue." ani Rycko ng bisitahin s'ya nito sa hospital. "Pasensya na papalitan ko na lang." "Paano mo papalitan? hanggang ngayon iniiyakan ni Papa Art. Baby n'ya yun ilang beses silang muntik na mag hiwalay ni Mama Odette dahil sa mga motor n'ya noon. Tapos ikaw ginawa mong lata na niyupi." napakamot naman ng ulo ni Nathan. Nagka yupi-yupi talaga ang mga body parts ng motor bukod dun basag-basag ang ibang bahagi." "Pasensya na talaga isipin na lang n'ya na may iniligtas na buhay ang motor ng Papa Art mo." "Buwis buhay ka rin talaga eh! may tama ka na ba kay Abby?" "Iniligtas ko lang s'ya dahil ako ang kasama n'ya ng mga oras na yun." "Asus! Wag nga ako lalaki rin ako at hindi ko ibubuwis ang buhay ko para sa isang babae na hindi ko naman gusto ko." "I v

