"Dalawang beses mo ng inililigtas ang buhay ng anak namin, dalawang beses ka ng nalalagay sa panganib para sa anak namin? Ano ba talaga ang dahilan mo para isugal mo ang buhay mo para kay Abby?" tanong ni Dennis habang nasa labas sila ng kuwarto ni Abby. Nagawa n'yang i-revive si Abby from accident, wala namang tinamong fracture ang skull ng dalawa at okay naman ang mga MRI at CT scan ng dalaga pero wala pa itong malay dahil sa high dosage ng pang patulog na ibinaril rito dahilan para ikahinto ng timbok ng puso ng dalaga. Buong akala n'ya hindi na n'ya muling mapapatibok ang puso ng dalaga kaya naman ganun na lang ang saya n'ya ng mag dilat ito ng mata kanina kaya wala sa oras na nahalikan n'ya ito dala ng tuwa. "Wala pong dahil sadyang sanay lang po ako na nag liligtas ng buhay ng mga c

