"Doctor ka lang ba talaga o meron ka hidden identity?" tanong ni Nathan habang nag lalakad na sila palabas, na una na silang mag paalam sa mga magulang n'ya dahil may dadaanan pa daw ang mga ito habang naka motor lang naman sila ni Nathan. "Meron." sagot ni Abby. "Hindi ko dapat sabihin ito sa'yo pero since mukhang na halata mo na sasabihin ko na rin." huminga naman ng malalim si Abby. "Ang totoo, Ako si Abygail Lagdameo Walton ang future wife mo at ina ng mga magiging anak mo." ngiti ni Abby na ikinasimangot naman ni Nathan na sumakay na ng motor. "Doctor ka pero hindi na kita nakausap ng matino." "Saka na ako mag seseryoso kapag kaya mo na din akong seryosohin." napalingon si Nathan habang nabitin sa ere ang helmet na isusuot sa ere. Hindi na n'ya nakitang hindi lagi maloko ang ngit

