HINDI ALAM NI Khaira kung paano siya nakarating sa silid na tinutuluyan ni Amah. Matapos siyang nakawan ng halik ng asawa ay tila pati sarili niya ay nawala na rin. "Mommy!" Agad na tumakbo si Nyra palapit sa kanya pagkapasok niya at yumakap sa kanyang mga binti. "Mommy, Amah said daddy will stay here." Napatitig siya sa mukha ng anak. Her father was right. Alam niyang naging masaya naman ang anak sa piling niya. Pero hindi niya itatanggi na mas nagkaroon ng ningning ang mga mata nito. At nararamdaman niya ang walang pagsidlan na kaligayahan ng anak. Dumuko siya upang pagpantayin ang mukha nila. "Yes, baby. Are you happy?" Sunod-sunod ang pagtango na ginawa ng anak. "Super duper happy, mommy. Thank you for making my dream come true." Iniyakap nito ang mga kamay sa kanyang leeg kaya na

