"MOMMY, wake up!" Inaantok pang iminulat ni Khaira ang mga mata. Ang aga-aga pero ginigising na siya ng anak. Humikab pa siya bago tuluyan ibinuka ang mga mata at sinalubong nang nakangiting mukha ng anak. At nahawa siya sa magandang ngiti nito. "What is it, baby? What time is it?" Nilingon niya ang orasan na nasa bedside table. "Baby, it's still early. What do you want?" It's four in the morning. "Bigla siyang nag-alala kaya naman bumangon siya sa pagkakahiga. She started checking her son's forehead, then his body. Normal naman ang anak, wala itong sakit o kahit sugat. Narinig niya ang paghagikhik ng anak kaya naman humalukipkip siya saka tiningnan ito. "Why are you laughing?" Natatawa pa rin itong sumagot, "You look so worried, mom. I'm good and stronger." Ipinakita pa nito ang malii

