MABILIS NA umatras si Khaira kasabay nang pag-agos ng kanyang mga luha. Malinaw na malinaw niyang narinig ang mga sinabi ng asawa. Mga salitang ninais niyang marinig mula rito. Pero heto, naririnig niya… hindi nga lang para sa kanya. Nanlalabo ang mga mata niyang tinahak ang mahabang pasilyo. Nang makita niya ang isang signage na nagtuturo sa banyo ay mabilis niyang hinakbang ang mga paa ro'n. Inilapag niya ang dalang paper bag kung saan nakalagay ang inihanda niyang almusal ng asawa. Saka, siya pumasok sa isang cubicle. Nanghihina siyang sumandal sa nakasarang pinto. Naitapik niya ang mga palad sa kanyang bibig upang hindi umalpas ang sakit na kanyang nararamdaman. Pero kahit ano ang gawin niyang pagtakip ay kusang kumawala ang kanyang paghikbi na nauwi sa paghagulhol. Pinipilit niya

