NAALIMPUNGATAN si Khaira nang maramdaman ang masuyong paghaplos sa kanyang pisngi. Gusto niya pa sanang namnamin 'yon pero nang maisip na ang asawa ito ay mabilis niyang iminulat ang mga mata. Sumalubong sa kanya ang matiim na pagkakatigtig ni Peter. Babangon sana siya nang pigilan siya nito. Umayos ito ng higa sa kanyang tabi. Inilagay ang ulo niya sa braso nito dahilan para maging unan niya 'yon. Hindi na naman siya nag-inarte pa at tumagilid ng higa saka yumakap sa asawa. Nakaramdam siya ng kaginhawaan nang maamoy ang pamilyar na amoy ng asawa. Tunay nga na nasa tabi na niya ang asawa. Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa kanyang buhok. Walang salitang lumabas sa kanilang dalawa. Para bang sapat na ang kanilang mga puso na lihim na nag-uusap. Ngunit makalipas ang ilang san

