NANG MAKARATING sa Pilipinas ay ipinahatid si Khaira ni Peter sa mansion. Habang ang asawa ay agad na tumuloy sa hospital. Gusto niya sanang samahan ito pero sinabi na kailangan niya magpahinga lalo pa't mahaba ang binyahe nila. Kaya wala siyang nagawa kundi sumunod dito. Kanina pa siya nakahiga pero hindi niya naman magawang matulog. Kahit sa eroplano ay hindi rin siya nakatulog. Pinapakiramdaman niya lang ang asawa na balisa at sobra ang pag-aalala. Gustong-gusto niyang itanong kung sino ba si Zena. Pero naduduwag siya. Kung gusto nito ipaalam, hindi ba dapat sa asawa manggaling. O, baka stress lang ito kaya hindi na nagawang sabihin sa kanya. Nagdesisyon siyang bumangon at isandal ang katawan sa headboard ng kama. Narito siya ngayon sa silid ni Peter. Wala pa rin pinagbago 'yon at na

