MASAKIT ANG BUONG katawan ni Khaira lalo na ang kanyang gitnang bahagi. Hindi talaga siya tinigilan ni Peter. Matapos nila sa banyo ay humirit pa talaga ito. Kung hindi pa talaga sumuko ang katawan ay hindi pa papaawat ang asawa. Napalingon si Khaira nang marinig na bumukas ang pinto ng silid niya, hinintay niya kung sino ang papasok. "Mommy!" Ang boses ng anak ang umalingawngaw sa buong silid. Natawa na lang siya nang makita ito na tumatakbo palapit sa kanya. Napatingin siya kay Peter na kasunod nito na may dalang isang tray at malawak ang pagkakangisi kaya naman inismiran niya ito. Bumangon siya sa pagkakahiga saka sumandal sa may headboard ng kama. Nang makaakyat ang anak sa kama ay yumakap agad ito sa kanya na ginantihan naman niya. "Good morning, baby. How's your sleep?" Hinaplo

