Chapter 47 "MOMMY!" Nabalik sa sarili si Khaira nang marinig ang boses ng anak. Nasa tabi na niya ito at may pagtatakang nakatingin sa kanya. "Are you alright, Mommy?" "Ye-yeah. Are you done?" balik-tanong niya sa anak. "Yes, Mommy. Let's go. I'm so excited to see Daddy." Natigilan siya sa sinabi ng anak. Ito ang isa sa kinatatakutan niya na mangyari. Ang umasa ang anak. Pinilit niya pasiglahin ang sarili pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Zena. She and Peter love each other. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan. Naguguluhan na rin siya. At mas malala ni hindi man talaga inisip ni Peter ang pinangako nito. "Mom, let's go," untag muli ng anak sa kanya. Nginitian niya ito saka nagpatianod sa anak palabas ng silid nito. Naabutan nila si Amah na nakaupo na hab

