HANGGANG UMABOT ng hapon ay walang mensahe na natanggap si Khaira mula sa asawa. Ni walang pasabi kung matutuloy ang lakad nila o hindi. Nagpadala rin siya ng mensahe rito para ipaalam na uuwi sila bukas ng Zambales pero wala siyang nakuha reply. Gusto niya mag-alala pero sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang sinabi ni Zena, nauudlot ang balak niya. Mas lalo pa nadagdagan ang pagdududa niya sa sinabi ni Manang Rosy. Paano nga kung ito talaga ang mahal ni Peter? Paano kung lahat nang sinabi ni Zena ay totoo. She can't afford to lose her son. Ipaglalaban niya hanggang kamatayan ang anak. Huminga siya nang malalim saka sinimulan ayusin ang kanyang mga gamit. Konti lang naman ang dala niya. Ang anak naman ay wala rin naman dala dahil halos bagong bili ang mga ginamit nito. Habang nag-a

