MUNTIK na mabitawan ni Khaira ang cellphone nang makita ang ipinadala ng asawa na mensahe—no it was a video. Inulit niya muling i-play ang nasabing video. Maikli lamang 'yon pero kitang-kita kung paano naghalikan sina Zena at Peter. Dahan-dahan niya naibaba ang kanyang cellphone saka isinandal ang likod sa swivel chair. Narito siya ngayon sa kanyang opisina at pinili na lang niya na magtrabaho kaysa isipin pa ang asawa na hindi talaga siya kinontak. Tapos heto ang isasalubong sa umaga na ito? Ano gusto palabasin ng asawa niya? O, isa lamang ito palabas ni Zena? Ano nga ba ang totoo? Naipikit na lang niya ang kanyang mga mata. Gustong-gusto niyang puntahan si Peter at itanong kung ano plano nito? Pero natatakot siya na baka ipamukha nito na tama ang lahat ng sinabi ni Zena. At baka ma

