"HERE." Peter looked at the cup of coffee In front of him. Alam niyang si Arsen ang may hawak niyon. Kinuha niya 'yon saka sumandal sa kinauupuan niya. Nasa may likod na parte sila ng hospital kung saan matatanaw ang malawak na karagatan. May mga bench na nakakalat. May harang din dahil hindi naman sakop ng hospital pa ang parte na 'yon ng dagat. Naramdaman niya ang pag-upo ng kaibigan sa kanyang tabi. Papalubog na rin ang araw. Sumimsim siya sa kape na hawak sabay pikit ng mga mata. Pinakiramdam niya ang malamig na simoy ng hangin at ang masarap na lasa ng mainit na kape. Nakahinga na siya nang maluwag dahil out of danger na si Nyra. Pero may mga parte ng katawan ito na may mga sugat, mabuti na lang at walang nabali sa mga buto nito. Sadyang ang ulo lang talaga nito ang napuruhan. "A

