NAKAHINGA NANG maluwag si Khaira nang ibalita na out of danger na ang anak. Nailipat na rin ito sa isang pribadong silid. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ng anak at dinala sa kanyang pisngi. Her prince, her happiness, her life. Hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin kung may nangyari sa anak. Mabuti na lang at dumating si Jonnel. Speaking of that guy, alam niya ay nasa kabilang silid ito. She wanted to personally say thank you dahil hindi naman niya maaasahan ang asawa na hindi niya nga alam kung saan lupalop na nakarating. Ilang minuto niya pa tinitigan ang anak na mahimbing na natutulog. May mga galos itong natamo kaya naman todo ingat ang asawa nang ilipat ito pero matapos mailipat ang anak ay umalis din 'to. 'Baka mag-hunting ng babae'. Napasimagot siya dahil sa naisip. "Are y

