
"Naniniwala kaba sa TADHANA?"
Ako so Tobi Tensuki, 16 yrs. Old at isang scholar student sa University of Medina st. Elis. Sinasabi na ang wangis ko ay babae, pero isa talaga akong lalake.
Medjo matagal rin bago ko naabot ang gantong tekstura ng katawan. Wala kasi akong ginagawa sa bahay kung hindi ay humilata at maglinis. Ayaw kasi ni mama na mag trabaho ako ng mabigat, wika niya pa "mas mabuting sa kaniya ang hirap kaysa sa'kin."
Halatang mahal niya ako pero sa kabilang banda ay may tinatago akong lihim. Mayroon akong hernia kung tawagin. Since birth na abnormality. Maayos naman sana kaso wala kaming pera.
Maaga kaming iniwan ni papa dahil sa nag trabaho siya abroad ngunit hindi na natagpuan simula pa noon. Si mama lng ang tanging bumubuhay sa'kin. Naging mahirap ang trabaho niya dahil isa lamang siyang kasambahay ng mga medina family.
Ang Medina family ay isang ma impluwensiyang pamilya. Maraming koneksyon at maraming mga negosyo, isa na roon ang paaralan kung saan ako nag-aaral.
Bagama't makapangyarihan ang pamilya Medina ay nagawa pa nilang tulungan kami ni mama na makaraos. Isang utang na loob kung ituring ko ang buhay kong 'to.
"Anak paki hatid nga 'to sa sir david mo sa kwarto niya sa taas." Utos ni mama. First time ko dito sa loob ng mansyon.
At mapapansin mo talaga ang mga mwebles at iba pang makatindig balahibong disenyo sabahay na ito. Dahil sa hindi ko pa kabisado ang buong mansyon ay gumamit ako ng mapa.
Nang sa gan'on ay hindi ako malito sa daraanan ko. Malapad, maliwalas, nakakamangha, yan ang tanging masasabi ko habang naglalakad patungo sa silid ng sir david.
Hindi ko pa lubos na kilala si sir david, sa katunayan ay hindi ko pa nasilayan ang mukha nito. Sabi ni mama 19 yrs. Old na sjya at medjo katangakaran. Sa isip ko ay isa itong mabait at maamo na binata.
Ng marating ko ang dulo ng pasilyo ay lumiko ako sa kanang bahagi ayon sa mapang hawak hawak ko. Tinungo ko ang pinto sa hulihang bahagi ng malawak na daanan.
Roon ay isang malaki at magarbong pinto ang kinatok ko. */Tok tok. Pag katok ko ay tila walang tao sa loob. Sinilip ko ng bahagya ang pinto at wala akong nakita.
Binuksan ko ng may tamang espasyo para makapasok ako. Inilagay ko ang lalagyanan ng pagkain sa gilid ng pinto kung saan naroon ang lamesa na may disenyong ginto sa gilid nito.
"Sir david. Iiwan ko dito sa gilid ang pagkain mo." Buong tapang akong sumigaw. Ngunit walang nagsasalita na nagpapahiwatig na walang nakarinig sa'kin.
Dahan dahan akong humakbang papunta sa gitna ng mala stadyum sa lawak na silid na ito. "Sir david!" Sigaw ako ng sigaw.
Lingon ako ng lingon ng 'di ko namalayang naron na pala si sir david sa likoran ko sanhi ng pagdulas ko. Pag ka tumba ko sa malamig na sahig ay naka titig ako sa isang matangkad, pogi, macho, maputi, makinis, at naka salubong ang dalawang kilay.
"What are you doing here?! Are you even allowed inside our house?" Ma owtoridad na saad nito. Nanatili akong naka tulala at naka tingin sa mala diyos nitong mukha. "Hey! are you deaf?" Sigaw nito.
Agad akong nabalik sa ulirat at napa tayo sa kinauupuan ko. "Ah ser. Naghatid lng po akong pagkain." Pagpapaliwanag ko dito. "I don't care!get out!" Sigaw niya habang hinihila ang kamay ko at itinulak palabas ng silid niya. "Don't ever come back!" Sigaw niya sabay sarado sa pinto.
Tumayo ako at nagpagpag sa kasuotan ko. "Hindi ko inasahan na ang akala kong maamo at mabait ay isa palang salbahi at walang hiya!" Bulong palayo sa silid ni sir david.
Habang papalayo ay sinubukan kong lumingon ng kaunti sa kwarto ni sir david pero nanatili itong sarado. Kaya naman napalingon nlng ulit ako sa dinadaanan ko. "Who are you?" Nagulat akong may nag salita sa gilid ko.
Agad ko itong nilingon at doon nakita ko ang nasa 23 yrs. Old na binatang macho at gwapo. Naka white tshirt ito na sakto lamang sa katawan at naka pajama ng gray, naka umpok rin roon ang kalakihang batuta. Naka salamin ito na may hawak na libro.
"Ah ako po si tobi anak ni mama sol." Sagot ko rito at yumoko ng kaunti senyas ng pag respeto.
"Oh. Hindi ko alam na napaka gwapo naman palang anak ni manang sol." Saad niya ng naka ngiti.
"Ah hehe 'di naman po." Sagot ko. Sa isip ko ay masasabi mong mabait talaga ang taong ito. "By the way, wag mo nlng pansinin si david. May period ata yun kaya gan'on" pabirong sabi niya. Kaya napa ngiti na lamang ako.
"Ah, ayos lng po ser...?"
"Kenji" saad nito.
Kenji pala ang pangalan niya? Bagay lamang sa pustura niya. Sa pakiramdam ko ay hindi magiging mahirap ang pag tira ko sa bahay ng mga medina. "Ser kenji kailangan konapong bumalik sa kusina baka hinahanap nako ni mama." Saad ko.
"Sure. You can go now. Just don't forget what I said okay?" Saad nito sabay kindat. Tuluyan itong naglakad papunta sa silid ni sir david.
Ako namay nag patuloy sa paglalakad patungo sa kusina.
pagdating ko sa kusina ay..

