CHAPTER 7

1561 Words
HULI na para umiwas pa ako dahil nakita na ako ni Michael. Kumaway siya sa akin at sinenyasan ako. Magiging rude tingnan kung basta na lamang akong aalis nang walang dahilan. Kaya kahit nag-aalinlangan ay lakas-loob na akong lumapit sa kanila. Agad na tumayo si Michael at hinila ang upuan mula sa kabilang lamesa upang maupuan ko. "Hindi pa kami umo-order," aniya pagkaupo ko. "Anong gusto mo? Ako na lang ang pupunta sa counter, okay?" "A, h-hindi. Ako na lang," anikong mabilis na tumayo. "Nope!" pagpigil niya sa akin. Kinapitan pa niya ang magkabila kong balikat at sapilitang pinaupo. "Maupo ka lang diyan." "Pero—" Malapad na ngumiti si Michael at hindi ko na naituloy pa ang pagtutol ko. Nag-abot na lang ako ng pambayad sa kanya para sa pagkain namin. "Ito, o." Ilalagay ko sana sa kamay niya ang buong isang libo pero mabilis niya iyong naiiwas. "It's my treat, you don't have to pay me." "Pero— kasi... ako ang dapat manlilibre, 'di ba? K-Kasi pinahiram mo ako ng libro mo?" "Hindi sa ganoon 'yon, Eirren. Sino bang may sabi na bayaran mo iyon?" seryosong pahayag niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Ipinahiram ko iyon sa'yo dahil gusto ko at inaya kitang mag-lunch kasi gusto kong makasama kang kumain." Tahasan ang mga salita ni Michael kaya hindi ko naiwasang mailang lalo pa at naroon si David. Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Napatawa si Michael sa inakto ko. "Please, huwag ka nang mahiya, Eirren. It's really on me. Just think of this as my payback for the coffee you gave me this morning, okay? Come on. What do you want, hm?" Nahihiya pa rin akong tumingin muli sa kanya. Kusang umangat ang kamay ko patungo sa aking batok at napahaplos doon. Nakangiwi akong sinagot ang tanong niya, "Ahm, double cheeseburger." "Okay. What else?" Nagkibit-balikat ako dahil wala na akong maisip pa. Sa totoo lang ay tila lumulutang ang utak ko dahil sa presensya ni David, dumagdag pa rito ang dumadagundong kong dibdib dahil sa kaba. Ayoko ng pakiramdam na ito. Kung puwede nga lang ba na umalis na lamang ako na hindi nagmumukhang masama kay Michael ay nagawa ko na. "Sige, ako na ang bahala," ani Michael bago tumungo sa counter. Pagkaalis na pagkaalis niya ay napayuko na lamang akong muli. Alam kong nakatingin sa akin si David at wala akong plano na sumulyap man lang sa kanya. "You got close sooner than I thought," sabi niya maya-maya. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paghalukipkip niya habang mataman ang pagkakatitig sa akin. Tila may insultong hatid iyon sa akin kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na tingnan siya nang masama. "Bakit? May problema ka do'n?" "Well, wala naman," aniyang ipinatong sa lamesa ang dalawang kamay at dumukwang sa gawi ko. "Do you have anything to tell me?" Kumunot ang noo ko dahil wala akong ideya sa tinutukoy niya. "Geez, what a heartless girl." Iiling-iling siyang sumandal sa upuan at muling pinagkrus ang mga braso. "You're not going to thank me for what I did to Seirra? She finally got off on you shoulder now." "Tss! Ginawa mo ba iyon to boost your ego? Dahil kung gano'n wala kang maririnig na pasasalamat mula sa akin." "Woah," hindi makapaniwalang bulalas niya. "Was that how you treat me after I save you?" "Nah, as if that changed anything," pairap kong sambit. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya basta ramdam kong nakatitig lang siya sa akin. Lalo ko lamang naman siyang inismiran. "Did she still bully you?" tanong niya makalipas ang ilang segundo. Nahimigan ko ang kaseryosohan sa tinig niya kaya napabaling ako sa kanya. Blangkong ekspresyon sa kanyang mukha ang sumalubong sa akin. "You don't need to bother yourself. It's none of your business, anyway," pagbalewala kong tugon. "Eirren!" "Puwede ba, David, stop being a busybody. You're just suffocating me!" singhal ko sa kanya. Nagsisimula na rin akong mainis sa pagiging pakialamero niya. "You know na hindi tama ang ginagawa niya. Hindi ba dapat—" "Oo, alam ko!" putol ko sa sasabihin pa sana niya. "Pero ano naman? May magagawa pa ba ako? Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya." "So, hahayaan mo lang na saktan ka niya?" Hindi ako nakasagot sa tinuran niyang iyon. "Alam ba ng mga magulang ni Seirra ang ginagawa niya sa'yo?" Muli pang hindi ko masagot ang tanong niyang iyon. Ang totoo, walang ideya sina Tito Dan at Tita Letty sa mga ginagawa sa akin ni Seirra. Oo nga't nakikita nila ang minsan naming hindi pagkakasunduan sa bahay, pero hindi nila alam na pagdating sa school ay saka bumabawi si Seirra. At kahit gustuhin ko mang lumaban ay wala na akong magawa, isipin ko pa lang ang kabutihang nagawa sa akin ng mga magulang niya. "Eirren, wala siyang karapatan na saktan o kutyain ka. Ikaw na rin ang nagsabi na wala siyang naiambag sa buhay mo." "That's enough, David. I don't wanna talk about it," mahina ko na lang na pahayag habang nakayuko. "No!" mapilit niyang turan. "Let me handle Seirra from now on." "Sabing tama na, e!" Naihampas ko ang kamay ko sa lamesa sa sobrang pagkainis. Matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. Wala na akong pakialam sa ilang customer sa paligid na napatingin sa amin. "Wala ka na ba talagang magawa kundi ang makialam sa buhay ng may buhay?!" galit kong sita sa kanya. "Siguro sa'yo madali lang ang lahat kasi wala ka sa sitwasyon ko. Ikaw nagagawa mo ang gustuhin mo, wala kang pinuproblema, happy-go-lucky! Pero ibahin mo 'ko. Hindi madali ang buhay sa tulad kong ulila na at pinagkaitan ng magulang. Kahit kailan, hindi mo mararanasan ang nararanasan ko. Kaya kung puwede lang, 'wag mo na akong pakialaman," pakiusap ko sa kanya sa mababa nang tinig. Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay napayuko lang. "Please, stop messing around with me. I have too much problem to handle now. 'Wag ka na sanang dumagdag pa. Honestly, you are so uncomfortable to be with," matapat kong pahayag. Nanatili ang katahimikan sa pagitan namin kaya akala ko ay sumuko na siya. "You are wrong," aniya makalipas ang ilang minutong pananahimik. Napatingin ako sa kanya at napansin ang nagtatagis niyang bagang. Gayun din ang nakakuyom niyang mga kamao. Nang iangat ko ang tingin sa mata niya ay nakita ko ang matalim niyang pagtitig. "You don't know me, yet it's so easy for you to judge me as a person? Okay! If you are too uncomfortable with me being around, let's not face each other again! Pero ito ang masisigurado ko sa'yo, I will make Seirra pay for what she did because it's not only about you, Eirren. It's all about the students she bullied." Pagkasabi niyon ay marahas na tumayo si David at nagdiretso sa exit ng food chain na iyon. Ni hindi siya lumingon hanggang nawala siya sa paningin ko. "I think, you owe him an apology." Bahagya akong nagulat sa nagsalitang iyon sa likuran ko. Napalingon ako at nakita ko si Michael habang hawak ang tray ng aming pagkain. "M-Michael..." Ibinaba ni Michael ang tray sa lamesa tsaka naupo sa tapat ko. "Everything had never been easy for David," aniya habang magkasalikop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Nakababa ang tingin niya pero nakarehistro sa mukha niya ang kalungkutan. "A-Anong ibig mong sabihin?" "Life had never been easy for him either," panimula niya. "He had a lonely teenage life, a suffocating one. Imagine being inside the house surrounded by dozens of bodyguards for six years...he never felt the happiness we had, the freedom we got." Sa puntong iyon ay hindi ako nakapagsalita. Bahagya pang napaawang ang bibig ko dahil hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi ni Micheal. "I know he doesn't want you to know this," pagpapatuloy niya. "But the truth is, after the accident he encountered six years ago, he suffered from having a Post-traumatic Stress Disorder. He became the prisoner of his own fear and loneliness." Pagkarinig na pagkarinig niyon ay gusto kong pagsisihan ang mga salitang binitawan ko kay David. Right, I shouldn't have judge him easily. "That was also the reason why he rejected Harold na maihatid ka noong nakaraan." "B-Bakit? A-Anong connection no'n? Dahil ba sa trauma niya?" "Yes, hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil hindi niya kaya." "Alam ba ni Harold ang tungkol do'n?" "Oo, pero nakalimutan siguro niya dahil matagal-tagal na rin mula noong huling may nag-trigger sa trauma ni David." "How did that even happened?" "He experience anxiety or panic attacks whenever he's with someone in a car. It triggered an attack for him." "A-Anong puwedeng mangyari sa kanya kapag naramdaman niya 'yon?" Napatingin muna siya sa akin bago seryosong nagpatuloy. "Shortness in breathing, palpitations, or worse, he fell into unconsciousness." "Wala bang paraan para na-overcome niya ang kanyang trauma?" "There is. Kaya lang ayaw ni Tita Dhea, ang mommy niya, na ungkatin pa ang tungkol do'n. Actually, masuwerte na nga lang siya ngayong taon kasi sa wakas pagsapit niya sa tamang edad, hinayaan na rin siya ng magulang niya na makapasok ng normal sa paaralan." "Makapasok ng normal?" pag-uulit ko sa mga huling salitang sinabi niya. "Yeah, ever since that accident, he did homeschooling." Lalo akong nilamon ng pagsisisi dahil doon. Indeed, everything was not so easy for him. And now I know, I owe him a sincere apology.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD