bc

Your Eyes Can Tell

book_age16+
16
FOLLOW
1K
READ
family
sensitive
doctor
drama
tragedy
bxg
icy
office/work place
secrets
school
like
intro-logo
Blurb

After fifteen years of living in sorrows and regrets, David became cold and distant, building his own secret sanctuary at DK Palace.

On his inauguration day as a CEO of Ko Group of Companies, he encountered an accident that led him to meet a short-tempered but warm-hearted hospital director, Mhegan Summer.

Until the past started to unviel and David didn't know if he can handle everything. But Mhegan didn't leave him. Together, they unfold the truth one by one while growing affection with each other.

Will their love conquer everything while revealing all the hidden words of the past?

Their eyes alone can only tell the truth.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
MARAHAN kong inakyat ang hagdaan patungo sa kinaroroonan ng puntod ni Eirren. Labinlimang taon na rin ang nakalilipas, pero hindi ko pa rin siya nakalilimutan—lagi ko pa ring naaalala ang masasayang sandali na pinagsamahan namin. Kasabay ng pagbaba ko sa isang bungkos ng yellow tulips sa kanyang puntod ay ang pagsilay ng malungkot na ngiti sa aking labi. "Princess, I-I brought your favorite flowers..." anas ko sa malungkot na tinig. Nagsimulang mamasa ang mga mata ko dahil sa emosyong hindi ko na maitago. "Happy birthday. Mabilis na lumipas ang mga taon, pero para sa akin, tila kahapon lamang mula nang umalis ka. I miss you so much—always." Hindi ko napigilan ang pagpatak ng isang butil ng luha mula sa aking mata. Dito sa lugar na ito, sa harapan ni Eirren, lumalabas ang tunay kong nararamdaman. "Pero patawad," napasinghot ako pagkasambit sa mga katagang iyon at lalong pinigilan ang pagpatak ng luha, "patawad dahil hindi ko man lang natupad ang pangako kong protektahan ka. Paulit-ulit kong ihihingi ng tawad sa'yo 'yon. Kung hindi lang sana ako naging mapilit noong gabing iyon, marahil..." napabuntong-hininga ako nang magsimulang bumigat ang pakiramdam ko sa aking dibdib, "marahil, narito ka pa." Sobrang bigat pa rin para sa akin ang dulot ng insedenteng nangyari kay Eirren. Hindi ko pa rin maiwaglit sa aking isip na sisihin ang sarili ko sa pagkawala niya. Malinaw pa sa alaala ko ang matatamis niyang ngiti. Noon, nakita ko sa kanyang mga mata ang pagpapahalaga niya para sa akin. Tumingala ako sa kalangitan at muli ay umasa akong muli ko siyang makikita. Pero tulad nang dati ay bigo ako. Paano nga ba naman magbabalik pa ang taong nawala na, ang taong patay na? Pilit kong pinakalma ang sarili ko bago tiningnan ang pangalang nakaukit sa batong nasa harapan ko. 'Eirren Garcia; Born: April 25, 1987-May 03, 2005' Labing-walong taon siyang namalagi sa mundong 'to, pero marami na siyang pagsubok na pinagdaanan. Mula nang mawala ang kanyang mga magulang dahil sa isang malagim na aksidente, alam kong hindi naging madali ang buhay niya. Napakaikli lang ng panahong pinagsamahan namin, pero ito ang parte sa aking buhay na hindi ko malilimutan. Ang alaala naming dalawa ay patuloy kong iingatan. I promise her that. That I won't forget her no matter what happened. Makalipas ang ilang sandali, matapos na matitigan ang pangalang iyon ay mabibigat pa rin ang mga hakbang ko nang magpasya akong bumalik na sa aking sasakyan. Ngunit bago ko mapaandar iyon ay tumawag na sa cellphone ko ang aking assistant na si Alex. "Y-Yes, Alex?" garalgal ang tinig na tanong ko sa kanya nang i-accept ko ang tawag. Hindi ko maialis sa aking sarili na hindi maapektuhan o maging emosyonal tuwing pupunta ako sa lugar na ito. "Sir David, hinahanap na po kayo ni Chairman," sagot niya sa kabilang linya. "Okay. Papunta na ako d'yan." "Okay lang po ba kayo, sir? Gusto n'yo po bang sunduin ko na kayo?" "H'wag na, Alex. I'm on my way now. Pakisabi sa Chairman, I'll be there in an hour." "Okay, sir." Pinaandar ko ang aking sasakyan at kinabig patungo sa main road. I need to get back in time. Hindi ako maaring ma-late sa event. Today is my inauguration ceremony as a group CEO. Malaki ang inaasahan sa akin ng Chairman kaya naman ayoko siyang biguin. Sa nakalipas na mga taon, marami na rin akong natutunan at nagawa para sa pagpapalago ng kompanya. I have proven my ability to take over the company or the entire group. Sa interseksyon ng daan, sampung minuto bago magpula ang ilaw ng trapiko, mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Nagulat ako nang mula sa kaliwang bahagi ng interseksyon ay isang kotse ang mabilis na paparating sa direksyon ko. Pinilit kong bilisan pa ang takbo ng kotse upang maiwasan iyon ngunit nawala naman ang kontrol ko sa aking manibela. Bumangga ang sasakyan ko sa kasalubong na truck. Sa lakas ng impact, tumilapon ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada—nagpaikot-ikot sa mabanging bahagi bago tumaob. Naramdaman ko ang dugong dumadaloy mula sa aking ulo patungo sa mukha. Kinakapos ako ng hininga na tila ba may nakadagang mabigat sa dibdib ko. Pinilit kong sumigaw upang humingi ng tulong pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Sa mga oras na iyon, nakita ko si Eirren—palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang aking mukha habang nakangiti. Napangiti rin ako at pinilit kong abutin ang kamay niya. Nanginginig ang duguan kong kamay na hinaplos ang likod ng kanyang palad bago iyon hinawakan nang mahigpit. Nararamdaman ko ang init niyon sa aking palad. Nandito s'ya. 'E-eirren.' Isang patak ng luha ang kumawala sa kanang mata ko. Nakaramdam ako nang labis na kaligayahan. Nais ko pa siyang matitigan nang matagal; makita ang kanyang matamis na ngiti at mayakap nang mahigpit, at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal na itinago ko sa matagal na panahon. Ngunit, lahat ng iyon ay sa isip ko lang. Masakit man ang katotohanan, pero talagang wala na s'ya. Wala na si Eirren at hindi na magbabalik pa. "Eirren..." sambit ko sa kanyang pangalan. Ito ang huling salita na namutawi sa bibig ko bago ako naglakbay sa kawalan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
104.7K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook