EIRREN
"Eirren!"
Napalingon ako at nakita si Cara na tumatakbong palapit sa akin. Makalipas ang ilang linggong Christmas break ay ngayon lang ulit kami nagkita. Balita ko ay nagbakasyon sila ng pamilya niya sa Baguio kaya hindi kami nakapag-bonding sa nakalipas na mga araw.
She's my bestfriend— Cara Monte. Wearing her favorite outfit, a lacy top and mini-skirt, Cara is an example of a kikay teenager. She's one of those teenager whose straightforward but easy-going. Having a wavy blonde hair with a beautiful look, and curvy body, maraming lalaki ang nababaliw sa kanya. But Cara hated guys na masyadong clingy. She only wanted a relationship na malaya siya at magagawa ang nais niya.
"So, anong balita?" nakangiting tanong ko sa kanya nang makalapit siya at inakbayan ako. Mukhang excited na excited siya. Malamang marami na namang baong kuwento ang kaibigan kong ito sa akin.
Ngumisi siya nang makahulugan, "Wala, na-miss lang kita," at bigla akong hinalikan sa labi.
"Eww!" Nandidiri kong pinahidan ang aking labi. "Kadiri ka! Hoy, bumalik ka nga rito!" pahabol kong sigaw sa kanya ngunit mabilis siyang nakalayo sa akin. Pinagti-trip-an na naman ako ng kaibigan ko.
"Sorry!" sabi niya habang tumatakbo palayo. "It's a bet! Hindi ako puwedeng matalo ni Kuya Harold!" Tawa siya nang tawa at nililingon pa ako habang tumatakbo—tinitingnan kung nakasunod ba ako sa kanya.
Napangiti ako sa kalokohan niya at napailing.
"Haist." Huminto muna ako sa paghabol at pinulot ang nahulog kong libro.
Ngunit nagulat ako nang muli kong pagtingin sa kanya ay nakita siyang nakatihaya na sa semento at walang malay.
"Cara!" Takot na takot akong lumapit sa kanya at pinilit siyang gisingin. Natataranta na ako at hindi alam ang gagawin. "Cara!"
Pinagtitinginan na kami ng ilang estudyante pero kahit isa ay walang lumapit upang tulungan kami—
"Ano'ng nangyari?" Maliban kay Harold na biglang umupo sa tabi ko at tiningnan ang lagay ng kapatid.
"Tingin ko, n-nabangga siya sa poste."
"Ha?" nalilitong tanong niya sa akin. Pinagmasdan niya ang mukha ni Cara bago malakas na tumawa nang marinig na naghihilik ito. "Idiot."
Nakita ko ang namumuong bukol sa noo ni Cara. Gusto kong mag-alala sa kalagayan niya pero hindi ko napigilang mapangiti sa reaksyon ni Harold. "It's a karma, Bro," sabi ko.
"Karma?" Kumunot ang noo niya. "Don't tell me, ginawa nga niya 'yong pustahan namin?"
"Yap!"
Tumawa na naman siya nang malakas at tinanong kung saang banda ako hinalikan ni Cara.
Nginuso ko ang aking labi at kunwari'y galit na hinampas siya sa braso. "Isa ka pa, e!" Lalo lamang siyang napahalakhak sa ginawa ko.
Wala akong nagawa kundi mapailing na lang sa kalokohan ng magkapatid na 'to.
Tumatawa pa rin siya nang buhatin si Cara at dalahin sa school clinic.
Nakakainggit ang samahan nilang dalawa. Kahit laging pangagat, nakikita ko ang concern at pagmamahal nila sa isa't isa.
Marahang ibinaba ni Harold ang kapatid sa higaan habang inaalalayan niya ang ulo nito.
"You should go to class, Eirren," sabi niya sa akin nang maiayos ng higa sa kama si Cara.
"No, ako na lang ang magbabantay sa kanya hanggang dumating ang nurse. Ang alam ko may early discussion kayo ngayon, 'di ba?"
"Yeah, pero... "
"Go," taboy ko sa kanya palabas ng pinto. I smiled at him to give an assurance that everything is fine with me.
"Okay, but I'll return the favor. Meet me at the cafeteria later and let's have lunch together, okay?"
"Sige, Kuya," madiin kong banggit sa huling salita bago nakaloloko siyang nginitian.
"Don't do that," saway niya sa akin—kunwari'y seryoso pero nakangiti. "Tama nang si Cara lang ang tumatawag sa akin nang ganyan." Lumapit siya sa akin at bumulong. "Kahit na mas matanda siya sa akin ng one minute." Sabay kaming napatawa sa sinabi niya.
"Gusto niya raw kasing may older brother," saad ko. Muli akong tumingin kay Cara na natutulog pa rin.
"Right," pagsang-ayon ni Harold. "Kaya pakiramdam ko ngayon mas matanda talaga ako sa kanya, e." Napakamot siya sa kanyang ulo habang tumatawa.
Napangiti ulit ako sa sinabi niya. Tama naman kasi. Kung magiging mas matanda lang sa kanila si Harold, magiging mabuti talaga siyang kuya para kay Cara. He's always like that. Sobrang gaan niyang kasama bilang kaibigan. He's protective and very thoughtful.
Harold Monte is Cara's fraternal twin brother. Despite of having a badboy image na tinitilian ng mga kababaihan sa paaralan namin, para sa akin, he's really soft and warm on the inside. Pero kahit kinakikitaan ko siya ng kabaitan, Harold also has mood swings na talaga namang hindi ko rin maintindihan minsan.
"Anyway, kailangan ko na talagang pumasok sa klase ko," paalam niya sa akin.
Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.
"See you later, Little Sis," sabi niya habang ginugulo ang buhok kong may malapad na ngiti.
Bago pa ako naka-react sa ginawa niya ay nakalayo na siya. Napailing na lang ako at napangiti habang sinusundan siya ng tingin palabas sa pinto.
'I want a brother like him,' ang tanging naibulong ko sa aking isip.
SA CAFETERIA, hinanap ko si Harold kasunod si Cara na yukong-yuko. Nahihiya siya dahil maraming estudyante ang nakakita ng insedente kanina.
"Eirren!" tawag ni Harold.
Nilapitan namin siya ni Cara malapit sa counter kung saan siya nakapila.
"Ya!" May panggigigil na pabirong sinakal ni Harold ang kapatid gamit ang braso habang ginugulo ang buhok nito. "You're such an idiot, Little Sis, how can you do that to yourself?! Ha?!"
Agad namang nagpumiglas si Cara habang tinatapik ang braso ni Harold bilang pagsuko. "Stop it, kuya! Ah! Ah! Okay, okay! I give up! I give up!"
Panay ang tawa ni Harold na pinakawalan si Cara habang simangot na simangot naman ang huli sa pag-aayos ng nagulong buhok. Maya-maya ay tumingin siya sa akin at ngumiti. "Hey, so what do you want to eat?" aniya sabay akbay sa akin bago kami lumapit sa counter.
Pinasadahan ko ng tingin ang menu board na nakapaskil. "Sweet and sour pork with rice," marahan kong sabi bago lumipat ang tingin sa mga available na refreshments. "Hmm... I want pineapple juice," nakangiti kong dugtong.
"Is there some more? It's on me."
"Kuya, I want it too," ani Cara sabay singit sa gitna namin.
"Nope, buy your own. Si Eirren lang ililibre ko," supladong tugon ni Harold.
Nakasimangot na inirapan siya ni Cara. "Damot!" badtrip na sambit nito bago um-order na rin ng para sa sarili.
Dinilaan lamang naman ito ni Harold na lalo nitong ikinainis.
Napangiti ako sa sagutan nilang dalawa. Wala pa rin talagang pagbabago. Para pa rin silang aso at pusa kung mag-away.
Pagdating sa cashier ay napansin ko ang dalawang lalaki na nasa unahan namin na kinakausap si Harold. Naisip kong sila marahil ang mga kaibigan niya.
Hindi pamilyar sa akin ang dalawang iyon, mga transferree siguro. Well, sa laki rin ba naman ng school na 'to, medyo malabo nga na magkasalubong kami at magkakilala.
Pagkabayad ng mga pagkain ay binitbit na ni Harold ang mga iyon. Kumunot ang noo ko nang makitang nakasunod siya sa dalawa niyang kaibigan.
'Oh-oh.'
This is awkward.
Hindi ako sanay na may mga kasabay kumain na hindi ko kilala.
"Ah, Harold," pinigilan ko ang braso niya bago pa maibaba ang pagkain sa lamesa, "puwede bang sa ibang table na lang kami ni Cara?"
"Ha?" naguguluhan niyang tanong. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa mga kaibigan niyang nakaupo na. Nang maunawaan niya ang ibig kong sabihin ay napatango siya.
Ngunit kasabay noon ang pag-upo ni Cara sa lamesa kung saan nakaupo ang mga kaibigan ni Harold. "You're Michael, right?" tanong nito sa katapatang lalaki—matangkad, moreno at tulad ni Harold, matindi rin ang charisma ng isang ito.
"Yeah," nakangiti nitong sagot. "And you must be Cara, right?"
"Yes. Nice to meet you." Malapad ang ngiti ni Cara na kumaway rito. Napasulyap sa akin si Michael at nakita ni Cara iyon. "Ah, and this is my bestfriend, Eirren," pagpapakilala niya.
Nakangiti kong tinanguan si Michael. Gumanti naman ito ng ngiti. Pilit kong nilalabanan ang pagkaasiwa ko.
"David, will you stop reading, Bro. We are about to eat," sabi ni Harold sa isa pang kaibigan na nagbabasa ng libro.
Tumingin ito sa kanya bago pabuntong-hiningang isinarado ang libro at ibinaba sa lamesa.
"Anyway, Eirren, he's David," pahapyaw na pagpapakilala ni Harold tsaka sumubo ng pagkain.
Tumingin ako sa lalaking nasa tapat ko na tinawag na David. Nakatingin din pala siya sa akin. Unlike Harold and Michael, he has that intimidating look. But at some point, I found it very charming. Ang kanyang pangahang mukha ay binubuo ng katamtamang kapal ng mga kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. With his brown eyes deeply looking at me, I felt like there is a magnet—connecting us to one another. Dahilan iyon upang hindi namin maalis ang tingin sa isa't isa. Nakaramdam rin ako ng magkahalong emosyon na para bang unti-unting humihila sa akin palapit sa kanya.
"Yah!" Tinapik ako ni Cara sa braso na ikina-iktad ko. "What's wrong?" tanong niya nang makitang nakatulala ako.
"Ah, w-wala." Nahihiya akong napayuko bago sinimulang kumain. Halos 'di ako makasubo dahil pakiramdam ko ay may dalawang pares ng mga matang nakatingin sa akin.
Lalong hindi nakatulong sa pagkaasiwa ko ang maingay na paligid. Napuno ng mga estudyante ang buong cafeteria.
Nahihiya man ay pinilit kong ubusin ang aking pagkain. Hindi ko na lang muling tinapunan pa ng tingin si David upang hindi na ako lalo pang mapahiya. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay nanliliit ako sa mga titig niya.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami kay Harold. "Thanks sa lunch, Bro," saad ko bago siya tinapik sa balikat.
"No problem," aniya bago tumingin sa kapatid. "Hey, Sis. You better not bother Eirren, okay?"
"Why do I feel na siya ang kapatid mo at hindi ako?" nakasimangot nitong tanong sa kanya.
Natatawang ginulo lang niyang muli ang buhok ni Cara. "Go. Alam ko naman kung saan kayo pupunta pagkagaling dito. See you around, Eirren."
"Sure." Tumingin ako sa dalawang kaibigan ni Harold at nginitian sila bago tumango simbolo ng pamamaalam.
"See you around, guys," pasigaw na sabi ni Cara habang hinihila ako sa braso paalis.
****
ARAW-ARAW, pagkatapos kumain ng tanghalian ay sa library ako pumupunta. Samantala, si Cara naman ay nakikipagkita sa boyfriend niya.
Nakaugalian ko na ang pagbabasa ng libro. Nang mga panahong hindi ko pa nakikilala sina Cara at Harold ay mga libro ang naging aliwan ko. Lumilipas ang spare time ko sa pagbabasa.
Marahan akong naglakad habang pumipili ng librong babasahin. Ngunit wala roon ang aking isipan. Muli kong naalala ang mga mata ni David. Kahit may pagka-intimidating siya tumingin, pakiramdam ko ay napaka-gentle niyon pagdating sa akin. Talagang nakalilito lang din ang mga emosyong naramdaman ko kanina. Hindi ko ipagkakailang nakaramdam ako ng excitement sa pagkakilala namin. Pero ang hindi ko maunawaan ay ang kalungkutan at takot na gumuhit sa dibdib ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"Oh!" gulat kong sambit. Nagbalik ako sa kasalukuyang diwa ko nang bumangga ang aking braso sa kasalubong ko. Lalo akong nagulat nang iangat ko ang aking paningin ay nakita ko si David. Napaatras ako ngunit sumabit ang kaliwa kong paa sa aking kanan.
Mabilis na nahawakan ni David ang aking kaliwang braso at hinila ako palapit sa kanya. Napakapit naman ako sa balikat niya sa takot na matumba habang ang kanyang isang kamay ay nakaalalay sa likod ko.
"Okay ka lang?" mahina niyang tanong sa akin yayamang nasa library kami.
Kinakabahang tumingala ako. Hindi ko inaasahan ang liit ng distansya sa pagitan namin. Lalong hindi ako nakagalaw at natuod sa posisyong iyon nang makita sa malapitan ang guwapo niyang itsura.