"SORRY," natataranta kong saad bago pilit na umatras nang ilang hakbang.
Saglit muna niya akong sinuri bago tumugon. "It's okay."
Pinulot niya ang librong nahulog sa paanan ko at iniabot sa akin sa pag-aakalang iyon ang napili kong basahin. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang nakangiti niyang labi at mga mata. Nagkatitigan na naman kami at para akong nahi-hipnotismo; animo'y hinihila ako ng kanyang mga tingin sa mundo ng pantasya.
Ilang sandali ang lumipas nang muli akong magbalik sa katinuan. Sa pagkapahiya ay basta kong kinuha ang librong nasa kamay niya at pinilit kong humakbang nang mabilis palayo.
Pagkaupo sa lamesa, hindi ko napigilang batukan at pagsabihan ang sarili. "Ano bang nangyayari sa'yo?" parang baliw na naibulong ko. "Ilang beses ka nang natulala sa harapan niya."
Napatingin sa akin ang mga estudyante sa kabilang lamesa na tila narinig ang aking mga sinabi.
'Woah, at gaanong pagkapahiya pa ba ang mararamdaman ko bago matapos ang araw na ito?' hiyaw ng aking isip.
Naitabon ko ang libro sa mukha ko. Nahihiya ulit akong mabilis na tumayo at lumipat sa kabilang bahagi ng library.
Napabuntong-hininga ako pagkaupo. Kinalma ko muna ang aking sarili bago ko binuksan ang libro, upang muli na namang magulat nang makitang tungkol sa male reproductive organ 'yon.
'What?!'
Napalinga ako sa paligid at nakita ang naglalarong ngiti sa labi ng ilang estudyanteng nakapaligid sa puwestong inuupuan ko. Napayuko ako at halos isubsob ang sarili kong mukha sa lamesa dahil sa hiya.
'What the hell?!'
Mas malala, nang muli kong iangat ang paningin ko, nang-aasar na ngiti ni David ang sumalubong sa akin.
's**t!'
Nagngingitngit sa inis ang dibdib ko dahil sa kanya.
'Argh, I feel so embarrassed! 'Asan na 'yong lalaking gentle tumingin na una kong nakita?'
Kasi ngayon, gusto ko na lang siyang tirisin sa sobrang inis dahil sa mapang-asar niyang ngiti.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Pero ang loko, kindat ang naging sukli.
'Pucha!'
Inis na inis akong tumayo at inirapan siya bago lumabas ng library.
"SO, kailan natin isa-submit ang project na 'to?" tanong ni Cara na ngumunguya ng chips habang nagsusulat ng conclusion tungkol sa project namin.
Linggo ngayon at nasa kanila kami para sa project namin sa Physics.
"Next week," maikli kong sagot.
"Pa'no ang trabaho mo sa coffee shop?" Tumigil siya sa pagsusulat at tumingin sa akin.
"Nagsabi na ako kay Tito Dan na mamaya na lang ako pupunta roon para tulungan siya."
Tuwing Sabado at Linggo kasi nagpa-part-time ako sa cafe ng aking tito. Ang totoo, doon ko rin nakilala sina Cara at Harold. Nagkaroon lang naman sila ng maliit na pagtatalo tungkol sa o-order-in, hanggang nauwi sa mainit-init na eksenang pinagitnaan ko. And to make the story short, iyon ang naging simula ng aming pagkakilala at pagkakaibigan.
"Okay, sasabihan ko na lang si Kuya Harold na ihatid ka do'n mamaya."
"Uhmm," wala sa loob na tugon ko. Ayokong masira ang konsentrasyon ko sa ginagawa.
"Sissy!" masiglang tawag ni Harold nang biglang pumasok sa kuwarto ni Cara.
"Kuya, how many times do I need to tell you na kumatok ka muna?!" naiinis na sigaw ni Cara sa kapatid.
"Hmm..." Umakto itong nag-iisip pero biglang nagulat nang batuhin ni Cara ng hawak niyang libro. "Ouch!" Nakangiwing nakapitan nito ang noo at tumingin nang masama sa kapatid. "Sis, ang brutal mo talaga!" biro ni Harold sa malambot na tono.
Mapang-asar lang naman itong dinilaan ni Cara.
Napatawa na lang ako sa lambingan ng dalawa.
Pero maya-maya ay sumeryoso na rin si Harold. "Anyway, Sissy, I'm here to ask you a favor."
"No," mabilis namang sagot ni Cara.
"Please, Sissy."
"Ah! Bakit ba kasi?!" Nakukulitan niyang hinarap ang kapatid.
"Michael and David will be here, but neither Mom nor Nana Carin is here, can you please fix some snacks for us?" pakiusap nito.
'What?! That self-styled jerk will be here?' sigaw ng isip kong napatingin kay Harold.
"O-M-G, Michael?" Lumaki ang mga mata ni Cara sa sobrang excitement. "You mean, Michael Kang?"
"Yeah—"
Hindi na natapos ni Harold ang sasabihin dahil nagmamadali nang lumabas ng kwarto si Cara.
Nagkatinginan kami ni Harold at sabay na tumawa sa inakto niya.
"As expected, that really works," nakangiting sambit ni Harold bago seryosong bumaling sa akin. "Do you mind if I leave you here?"
"Don't worry, I'm fine. I will just wrap this up and I'm off too. I have to go to the cafe anyway."
"Oh, okay. Ihahatid kita. Just tell me, okay?"
"Okay." Nakatingi akong tumango bago siya lumabas ng pinto.
NAALIMPUNGATAN ako nang may tila malamig na humaplos sa aking mukha.
Napahikab pa ako habang iniinat ang aking katawan at braso. Mula sa aking balikat ay nalaglag ang kumot na nakapatong sa akin at nagtatakang tiningnan ko iyon.
'Nakatulog pala ako.'
Sa bukas na bintana ng kwarto ni Cara ay pumapasok ang malamig na hangin mula sa labas. "Oh, shoot!" Agad akong napatayo nang makita ang madilim na paligid, tsaka tiningnan ang oras sa wall clock ni Cara.
Seven o'clock.
's**t!'
Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. "Cara!" tawag ko sa kanya habang pababa ng hagdan. "Cara, I need to—"
"Oh, you're awake." Tumayo si Harold at nilapitan ako. "C'mon, you stay for dinner." Kinapitan pa niya ang braso ko para kumbinsihin.
"No, no, I need to go to the coffee shop."
"Don't worry, Babe. Na-text ko na ang tito mo," nakangiting sabi ni Cara na itinaas ang kanyang cellphone habang prenteng nakaupo sa tabi ni Michael.
"What?"
"Yap!"
"David, will you give her a ride, Bro? You both have the same house direction anyway?" tanong ni Harold kay David habang abala ang huli sa binubuklat na magazine. Ni hindi siya nag-aksayang tingnan kami.
"And why would I do that?" pahinamad niyang tanong.
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na may kagaspangan din pala ang ugali ng isang 'to.
"David, please. I didn't know that Mom drove my car so I can't bring her home tonight," pakiusap ni Harold.
"You know that I can't," tutol pa rin nito.
"Harold, okay lang. Marami pa namang jeep na bumibiyahe patungo sa amin."
"I can't allow you to do that. Medyo late na at mahirap nang makipagsapalaran. Paano pala kung may loko-loko kang makasalubong o makasabay sa daan?"
"I can protect myself, no need to worry."
"I can give her a ride." Napatingin kaming lahat kay Michael nang magprisinta ito. "Let's not bother David about it. Harold, you know how he is, remember?" makahulugang dugtong nito na nakapagpatameme kay Harold. Napakagat labi ang huli at nabakas ko ang guilt sa mga mata niya habang nakatingin kay David.
"You sure, Michael?" sabat naman ni Cara.
"Yeah."
"Okay, that's settled then," sabi na lang ni Harold na nakahinga nang maluwag pero hindi makatingin ng diretso kay David. "I think, dinner is ready. Let's eat."
Pabagsak na ibinaba ni David ang magazine sa ibabaw ng lamesa bago marahas na tumayo. Halatang mainit ang ulo niyang nagpatiuna patungo sa dining area nina Harold.
'Tsk! Problema ng usbaw na 'yon?' nakasimangot kong bulong sa sarili.
Maging sina Michael at Harold ay napansin kong panay na lang ang buntong-hininga dahil sa biglaang pagbabago ng mood ng kanilang kaibigan.
Nagkibit-balikat na lamang ako upang balewalain ang malamig na pakitungo sa akin ni David.
HINDI maitatangging kapwa kami nakaramdam ni Michael ng pagkailang sa isa't isa pagpasok pa lamang namin sa kanyang sasakyan.
His car is a brand new honda civic 2019 model. Just as I thought when I first met them, David and him came from a wealthy family—just like Cara and Harold.
Hindi ko nga ba alam kung bakit ang katulad kong mahirap at walang magulang ay nagawa nilang pakisamahan. Siguro nga, hindi lahat ng mayayamang tao ay mapangmata tulad ng iba.
Habang nagda-drive ay napakatahimik ni Michael. Hindi ko tuloy alam ang gagawin at sasabihin para mabasag ang katahimikan sa pagitan namin.
"Ahm..., I-"
"I-I'm sorry about David," ani Michael na pumutol sa sasabihin ko.
"Ha?" Napatingin ako sa kanya na hindi agad na-gets ang ibig niyang sabihin.
"He's having a bad day kaya gano'n siya kanina," sagot niya bago ako sinulyapan. "I hope, you understand."
"Ah, wala sa'kin 'yon."
Napansin ko ang tipid na ngiting naglalaro sa labi ni Michael. Unti-unting nabawasan niyon ang tensyon sa pagitan namin. Hanggang hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.
"Is there something on my face?"
"H-Ha?"
"Or do you have something to ask? Kanina ka pa kasi nakatitig sa akin."
Agad kong nabawi ang tingin ko sa kanya at bahagyang napatalikod upang maitago ang namumulang pisngi dahil sa pagkapahiya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Speak that out, Eirren. I don't really mind."
Napatikhim muna ako bago pasimpleng umayos ng upo.
Nakita ko ang salitan niyang pagsulyap sa akin at sa kalsada. Halatang naghihintay siya na magsalita ako.
"Okay, ang totoo curious lang ako."
"On what?"
"Are you and David a Korean?"
Tuluyang napatawa si Michael. Napasimangot naman ako dahil do'n. Pakiramdam ko ay nagmukha akong t*nga sa sarili kong tanong.
"Ano kasi, 'yong mga apelyido n'yo katulad no'ng napapanood namin ni Cara sa korean drama," agad kong depensa sa kanya.
"Just as I expected."
"Ano?"
Pinaglalaruan niya ba ako?
"The way you looked at me, I already knew what you will going to ask. We always get that."
"Talaga?" hindi makapaniwala kong tanong dahil sa sinabi niyang iyon.
"Yeah, don't worry hindi lang ikaw. Even Cara, she also asked the same question."
Napatango-tango ako sa tinuran niya. Well, nasa mukha naman din kasi nila kaya maku-curious talaga ang makakakita sa kanila. Both of them has the korean vibe.
"So, are you guys a Korean?" muli kong tanong.
"Let's say twenty-five percent."
"Paano?
"My dad and David's dad were bestfriend. And both of them are half Filipino-half Korean. They ended up marrying a Filipino, too. So, I guess that will make us a twenty-five percent korean."
Ako naman ang napatawa sa paliwanag niya.
"Does that make any sense? Gano'n ba talaga 'yon?"
Nagkibit-balikat lamang si Michael pero may ngiti sa labi niya. "Hindi ko rin alam, e. Well, maybe it is safe to say that to feed up the curiosity of others."
"You mean, me?"
Hindi siya sumagot basta naglaro lang ang makahulugan niyang ngiti sa labi.
Napailing na lang ako habang natatawa pa rin.
"Oh, hey," tawag-pansin niya maya-maya.
"Yeah?" tugon ko sabay baling sa kanya.
"Where can I stop the car? Where's your house?"
"Ah..." napalinga ako sa paligid. Nakita ko ang apartment building ng aking Tito Dan at itinuro iyon sa kanya. "Diyan na lang sa may building."
"Okay," tugon naman niya bago kinabig ang sasakyan sa tabi ng daan.
"Thank you, Michael," aniko pagkababa bago isarado ang pinto ng kotse niya.
"You're welcome. Diyan na ba ang bahay mo? Gusto mo bang ihatid pa kita sa may pinto?" may halong biro niyang pahayag.
"Okay na," natatawa ko na namang sagot. Ngayon ko napagtantong, may kakulitan din pala itong si Michael. Hindi ko inaasahan iyon dahil sa unang tingin ko sa kanya, akala ko ay tahimik siyang tao. "Salamat ulit. Bye." Sinaraduhan ko na ang pinto at kinawayan siya. Naghintay ako na muli niyang paandarin ang kotse.
Kumaway lang din naman siya sa akin bago tuluyang umalis.
Tatalikod na sana ako sa kalsada upang tunguhin ang entrance ng building nang matanawan ko sa 'di kalayuan ang isang kotseng nakatigil. Pamilyar ang pigura ng driver niyon.
Tinitigan ko pa ito upang makilala at hindi nga ako nagkamali ng akala nang paandarin nito ang kotse at lumampas sa gawi ko.
It was David.