PASIPSIP 4: HELLO KITTY

1406 Words
Nagising si Jemima na masakit ang kanyang ulo, bumangon siya sa kama pero nanatili pa rin itong nakapikit. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata dahil nakaramdam ito ng panlalamig. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang hubo't hubad siya. “AAAHHHH!!” Malakas niyang sigaw, habang yakap-yakap ang sarili wala siyang maalala at alam niya sa kanyang sarili na kakaiba siya kung malasing. “Nasaan ako? Anong nangyari, nasuko ko na ba ang bataan? Sinong ginahasa ko?” Sunod-sunod niyang tanong, napahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang dalawa nitong palad. “Nasaan ang mga damit ko? Bakit wala dito, atsaka kaninong kwarto to?” Muli niyang tanong habang nakatingin sa paligid. Pilit niyang inaalala kung paano siya napunta dito. Pero hindi gumagana ang kanyang utak. Tinignan niya ang sarili kung may bakas bang nasuko na ba yung pinaka-importante sa kanya. Okay naman, pero bakit wala siyang saplot yun ang kanyang malaking question mark. “AAAHHHHHH!!” Mas malakas niyang sigaw dahilan para magising si Vito na nakahiga sa may mahabang sofa. Tumakbo siya papunta sa kanyang silid, napatingin naman sa pinto si Jemima dahil bumukas ito. Lumaki ang kanyang dalawang mata nang makita kung sinong nasa pintuan, gusto na niyang mag palamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Agad niyang binalot ng kumot ang kanyang katawan. “Ikaw, anong ginawa mo sa akin?!” Galit niya na tanong sa binata, nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Vito. Siya nga itong muntik ng magahasa kagabi dahil sa kalasingan ng dalaga. “Wala akong ginagawa sayo, ikaw ‘tong may ginawang kalokohan sakin kagabi.” Seryoso na sagot nito habang naglalakad palapit sa kama, humigit naman ang hawak ni Jemima sa kumot. Kulang nalang ay lumabas ang puso niya sa sobrang bilis ng t***k nito. “Huwag kang lalapit manyakis ka!” May pagbabantang sigaw ni Jemima, dumilim ang mukha ng binata dahil siya pa itong naging manyakis ngayon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad palapit sa kama. “Dyan ka lang sisigaw ako dito!” Kinakabahang sabi ni Jemima, kailangang niyang maging kalmado para gumana ang kanyang utak. “Nakikita mo ba itong mga namumula sa aking leeg, ikaw ang may gawa nito. Jemima De Luna, sa susunod kapag mag-iinuman kayong magkakaibigan matoto kang kontrolin ang pag-inom mo ng alak. Isipin mo ang pwedeng mangyari bago ka magpakalasing.” Mahaba niyang sermon habang pinapakita ang mga kissmark na ginawa ni Jemima kagabi. Napamura sa isipan si Jemima, pero hindi dapat siya magpatalo. Kung ayaw niya dapat umiwas na ito, walang mangyayaring halayan kung pinigilan siya nito. “Huh, ako pa ang gagawin mong manyakis sa ating dalawa! Over my dead body, wala akong pagnanasa sayo!” Pagtataray nito sa binata kahit alam niya sa kanyang sarili na wild siya kapag naka-inom. Ayaw lang niyang mapahiya sa harap ng binata, kahapon lang ulit sila nagkita pero kahihiyan na agad ang kanyang nagawa. “Sinong babae ang aamin sa kahihiyan na ginawa niya, sinasabi ko lang sayo para sa susunod marunong kang mag-control. At para sabihin ko sayo, kahit akitin mo pa ako ng ilang beses hindi kita papatulan.” Malamig nitong sabi habang walang emosyon ang mukha niyang nakatingin sa dalaga. “Wow hah, kahit ikaw na lang ang lalaki dito sa mundo. Hinding-hindi ako papatol sayo! Ginusto mo rin naman ang nangyari kagabi!” Salubong ang kilay nitong sagot, nagkibit-balikat pang si Vito. “Nasaan ang panty ko? Kung talagang wala kang pagnanasa sakin, bakit ako nakahubad?” Salubong ang kilay nitong tanong, papaaminin niya ito sa abot ng kanyang makakaya. “Alin, yung hello kitty mong panty at bra? Nasa banyo, twenty-five years old ka na pero pambata pa rin ang suot mong pang loob. Hello Kitty, huh!” May halong pang-aasar niyang sagot kay Jemima, nakaramdam naman ng pagkainis ang dalaga. “Ano bang pakialam mo kung hello kitty ang panty at bra ko? Ang mahalaga pinatigas kita, at pinagnanasaan mo ako! Labas nakakairita ka!” Sasabog na sa galit ang dalaga, mahina lang natawa si Vito bago lumakad palabas ng kwarto. Bumaba siya sa kama at tumakbo patungong banyo, nanlumo ang dalaga nang makitang nagkalat sa sahig yung kanyang panty’t bra. “Kainis! Bakit sa dami ng taong makakakita sakin siya pa! Nakakahiya ka Jemima!” Naiinis siyang sermon sa sarili, unang araw niya pa sa trabaho ngayon. Hindi niya alam kung paano haharapin ang binata. Wala namang masakit sa kanyang katawan, kaya sigurado siyang walang nangyari sa kanila. Pilit niyang inaalala kung ano ang kanyang ginawang kahihiyan, pero wala siyang maalala lalo lang sumasakit ang ulo niya. Nagsimula na siyang maligo, kakapalan na lang niya ang kanyang mukha na humirap ng damit ni Vito. Habang abala si Jemima na naliligo, nilagay ni Vito ang pinabili niyang damit ng dalaga. Lalo pa niyang inasar ito, dahil hello kitty na panty at bra ang kanyang pinabili. Inihanda na rin ng binata ang inorder niyang breakfast nilang dalawa ni Jemima. “Sir, meron kang meeting ngayon sa kompanya. At Dinner na pinareserve ni Don Lofranco.” Paalala ng kanyang secretary. “Cancel it lahat ng lakad ko ngayon. Meron akong importanteng gagawin, at isa pa kapag tumawag sayo ang aking ama at nagpa-reserve ng dinner cancel mo. Hindi ako interesadong makipag-date sa kung kanino lang.” Seryoso niyang sabi sunod-sunod namang tumango ang dalaga. “Noted, sir.” Magalang niyang sagot bago tuluyang lumabas ng unit ni Vito. Habang hinihintay niya si Jemima na lumabas, tinignan niya isa-isa ang kanyang magiging proyekto. Una niyang plano ay pagbibigay scholarship sa mga mag-aaral na kulang sa financial. Marami siyang plano para sa mamamayan, lalo na sa mga magsasaka at mahihirap. Hindi niya dapat sirain ang tiwalang pinagkaloob sa kanya, kaya tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya. Tapos na rin maligo si Jemima, sumilip muna ito sa pinto bago tuluyang lumabas ng banyo. Kumunot ang kanyang noo nang makita kung anong nakapatong sa kama. Lalo siyang nagalit dahil sa nakita niyang undergarments, hello kitty pa. Pati dress na ibinigay ay sobrang conservative, para siyang binalot na soman. Walang ibang pagpipilian si Jemima kundi isuot na lamang. Kasalanan niya rin naman kung bakit siya nandito ngayon. Nang makapag-ayos na siya, lumabas na ito ng kwarto. Nadatnan niyang busy si Vito sa pagbabasa ng mga documents. “Kumain muna tayo bago magsimula sa trabaho, marami akong ipapagawa sayo.” Seryosong sabi ni Vito na hindi man lang tumingin sa dalaga. Walang imik na pumunta sa kusina si Jemima, dahil kanina pa siya nagugutom. Sumunod naman agad ang binata, magkaharap sila ngayon binigyan niya ng pagkain si Jemima. “What happened Jemi, bakit mo isinuko ang pamana na dapat para sayo?” Basag ni Vito sa katahimikan. “Dahil tinatrato nila akong walang kwenta, wala silang ibang bukambibig kundi ang pinakamamahal mong si Fianna.” Sarcastic na sagot niya, napabuntong-hininga naman si Vito. “Sasabihin ko sayo kung anong nangyari nung gabing yun. At bakit ako biglang nawala.” Seryosong sabi nito dahilan para napatingin sa kanya si Jemima. “Really, nabagok na ba yang ulo mo?” Natatawa niyang tanong sa binata, tumango naman ito bilang sagot. “Sana noon mo pa ginawa para hindi naging miserable ang buhay ko. Alam mo bang nagpakasal si dad at mommy ni Fianna wala pang isang buwan na patay si kuya. Simula noon lalong naging magulo ang buhay ko, dahil sa ginagawa nilang mag-ina sakin. Wala akong ibang ginawa kundi isumpa kayong lahat.” Mariin na kwento niya sa binata, mahigpit ang kanyang hawak sa tinidor. Nagpipigil siya ng galit dahil kahit papaano ay ayaw niyang madungisan ang kanyang kamay. “Hindi lang ikaw ang nahihirapan Jemima, at wala akong ibang gagawin ngayon kundi tulungan ka. Hindi ko hinahangad na patawarin mo ako, basta hayaan mo lang akong makabawi sa lahat ng naging kasalanan ko.” Nakatitig siya sa dalaga habang sinasabi ang mga katagang yon. Muli siyang huminga ng malalim para makaipon ng lakas ng loob. Nanatili namang tahimik si Jemima, naghihintay sa kwento ng binata. “Una, tungkol ito sa paggamit ko sayo para mapalapit kay Fianna, dahil iyon ang plano ni Jeremiah. Meron siyang kutob na may relasyon ang iyong ama sa ina ni Fianna, hindi nga siya nagkamali. Pangalawa, hindi naaksidente si Jeremiah kundi merong pumatay sa kanya. Ganito ang nangyari.” Seryosong paliwanag ni Vito, gulat at tahimik lang ang dalaga. Umpisa pa lang ay nanggagalaiti na siya ng galit dahil sa nalaman niyang pinatay talaga ang kanyang kuya Jeremiah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD