CHAPTER 11

1209 Words
Alexandria's POV Anong meron??? Mga alagad ba sila ng demonyo??? Kung mga alagad sila ng demonyo, diba dapat magkakampi sila?? Eh bat nagpapatayan sila?? Hmmm siguro alagad ng diyos ang iba sa kanila? So anghel sila?? Pero kailan pa naging brown ang kulay ng anghel?? Pero sabagay baka change outfit ang peg nila ngayon!! Nakita kong nagkakainitan na ang laban sa pagitan ng maiitim at kayumanggi!! Ganito na lang, makinig ng mabuti!! Dahil isa akong nilalang na biniyayaan ng angking kabaitan, ibabahagi ko sa inyo ang aking nasasaksihan ngayon!! Pero!! Tandaan nyo mabait lang ako kaya ko shinishare ang mga nangyayari baka sabihan nyo kong tsismosa ah!! So ito na, magtatransform muna ako bilang newscaster o reporter into 5... 4... 3... 2... 1... Mas maganda pa ako sa hating gabi mga kaslovex!! Sa kasalukuyan, isang madugong digmaan ang nagaganap sa pagitan ng mga maiitim at mga kayumanggi!! Ayon sa aking nasasaksihan ngayon, may mga patalim silang ginagamit tulad ng kutsilyo, espada!! Opo mga kaslovex, may mga iilan akong namamataang nakikipag espadahan!! Sa ngayon, mas lumalamang ang mga maiitim sa kadahilanang wala pang nasasawi sa kanila-- Nakuu po mga kaslovex!! Napatingin sa akin ang isang miyembro ng mga nakaitim!! Hanggang dito na lang muna sapagkat ako'y nanganganib!! Ito po si reporter Alexandria Jane Montenegro!! Maraming salamat!! Aistt walang kwentang reporter!! Masyadong matatakutin, hindi ba nya alam na ang mga katulad nila ay dapat matapang para mas lalong makakuha ng impormasyon!! Tsk tsk!! Buti di katulad ng mga newscaster si Alexandria noh?? Saludo ako sa mga newscaster na handang isakripisyo ang buhay para lang makapaghatid ng balita!! Yiiee I'm proud of you ninong Mark Enriquez!! So ayun na nga, dahil hindi ko katulad si reporter Alexandria eh di ako natakot sa nakatingin sa akin.. Hello to the world!! Si dyosang Alexandria ang dapat katakutan!! Nakatingin pa din sa akin ang isang member ng itim habang patuloy na nakikipag away ang mga kasama nya!! Nginitian ko naman sya ng pagkahali halina na pati ang mga Prince sa Disney world ay pipiliing iwanan ang mga prinsesa nila pag nakita nila ang ngiti ko!! Kahit hindi ko masyadong makita ang reaksyon at itsura nya dahil naka masks sila ay alam kong nakakunot noo sya!! Sinenyasan ko naman sya ng 'sandali lang' at tumayo para pumunta sa kusina.. Naghanap ako ng pop corn pero wala, buti na lang may mga chips dito kaya kinuha ko ito at agad na bumalik sa kwarto ko ng dahan dahan!! Baka magising ang shokoy!! Pumasok ako sa kwarto pero binelatan ko muna si sculpture shokoy!! Agad akong pumunta sa bintana habang kinakain ang chips na kinuha ko sa kusina... Kaya lang huhuhu wala na!! The war ends huhuhu diko na nakita pano nagtapos ang laban!! Wala na ang black and brown!! Tinapon ko yung chips at inisang lagok ang tubig na dala ko!! Sayang yung effort ko!! Natulog ulit ako ng nakakunot noo!!! "Don't talk with anyone!!" Tumango habang ngumunguya.. "Behave!!" Tumango ulit ako habang umiinom ng gatas!! Actually hindi talaga ako umiinom ng gatas kaya lang gusto kong patunayan na ilang beses umiinom ng gatas si puti para pumuti!! Pansin nyo lahat ng nakikita ko dito binibigyan ko ng pangalan?? Bakit?? Syempre para unique at-- "Nakikinig ka ba??" Napatingin naman ako kay shokoy na kanina pa ako pinaalalahanan!! Kailan pa naging madaldal ang nilalang na toh!! "Oo na!! Oo na!! Magbebehave ako!! Di ako makikipag usap sa kahit kanino...kahit sayo!!" "AJ..." seryosong sabi nya habang tinitigan ako ng masama. Tiningnan ko naman sya ng inosente... "What? Sabi mo wag akong makikipag usap kahit kani--" "Excluding me AJ.. Ako lang ang pwede mong pagkatiwalaan dito!!" seryosong sabi nya kaya tumango na lang!! Pero asa sya!! Duhh wala na ngang wine, beer, tequila or any alcohol na maiinom tas wala pang boys?? No way!!! Kaya hinding hindi ko susundin si shokoy...saka na pag naging kami. Tsaka landi landi lang naman eh sakanya pa rin ang center part of the body ko!!! Yung gitnang bahagi ay di na available!! Naorder na ni shokoy without his permission!! "Susunduin kita mamayang lunch kaya hintayin mo ko at wag na wag kang gagawa ng kalokohan!!" Nasa labas na ako ng room kasama si shokoy, hinatid nya ako dahil baka kung san san na naman daw ako pumunta!! At isa pang chika, yung mga kaklase ko nakasilip sa amin sa bintana!! Sabagay, hari nga pala ang kasama ko!! Hari ng dagat!! Napaisip tuloy ako kung sino yung hari ng apoy?? Diba apoy yung kalaban ng tubig!! Ngumiti ako kay shokoy at tiningnan sya gamit ang inosente at cute kong mga mata!! "Do you understand me AJ??" habang hinihilot nya ang ulo nya na parang ako na ang pinakasakit ng ulo at salot sa buong planeta!! Lok*ng toh!! Pasalamat sya nagpapanggap akong mabait sa harapan nya kung hindi nakuuuu magagaya sya kay sculpture shokoy na minake-upan ko bago ako umalis kanina sa dorm!! "Opo amang hari... Hinding hindi ako magpapasaway!! Hindi po ako papayag na maligawan ng mga mababang uri ng nilalang aking ama!! Hindi ko po muna kayo bibigyan ng ap--" Hihihi ako'y kinikilig!! Sa tuwing ako'y iyong hinahalikan, akoy nanginginig!! Opo, hinalikan nya ako hehehe alam ko na ngayon kung pano makascrore kay shokoy hihihi feeling ko kinukuryente yung ano ko...yung katawan ko hihihi! Niyakap nya ako pagkatapos nya akong halikan.. "Pumasok ka na bago ko pa maisipang ibalik ka sa dorm at sisiguraduhin kong hinding hindi ka makakalakad.." bulong nya sa tenga ko..sh*t feeling ko lalabasan ako!! Pero hindi ako papatalo!! Hinalikan ko ang ilalim ng tenga nya.. "Sige lang..ibalik mo na ako sa dorm.." napahigpit naman ang yakap nya sa akin habang ang isang kamay nya ay unti unting tumataas papunta sa mga matatayog kong bundok?? Bulkan na lang para mainit!! "Ehem!!" Naputol ang nakakamanyak na eksena sa pagitan namin ni shokoy ng may tumikhim.. Napabitaw naman kami at muntik ko ng bugahan ng apoy ang taong panira!! Ang mapagpanggap na santa hmp!! Agad akong pumasok sa loob pero syempre inirapan ko muna si prof santa!! Pareho lang sila ni shokoy...mga mapagpanggap!! Umupo na ako sa upuan kasi ang weird naman kung humiga ako sa upuan at umupo sa mesa!! Iniisip ko na baka malayong kamag anak ni shokoy si santa kasi diba si santa nakatira sa north pole tas yung shokoy sa tubig.. Eh parehong malamig although over masyado ang tirahan ni santa!! Kaya siguro mahaba yung balbas o bigote ni santa para di nya kailangan ng scarf!! Pero idol ko parin naman si santang hindi peke kasi nilagyan nya ng mga candies yung medyas na isinabit ko dati, kaso medyo kuripot..isa lang yung nilagyan!! Napatingin ako sa harap ng tumayo na sa harap namin si Prof santa... And wait....may kasama sya?? Kaso di ko makita kasi natatakpan sya ni Prof... "By the way class, this is Mago Felix, he'll be your new classmate!!" Napairap naman ako at tumingin na lang sa bintana habang nakasimangot!! Iniisip kong idemanda ang paaralang ito at si fake santa!! Hindi ba nya alam na nainsulto ang maganda kong pagmumukha at katawan!! Nasan ang hustisya?? Bakit hindi nya ako pinakilala kahapon eh bago lang din naman ako dito!! "Hey can I sit here!!" Napatingin naman ako sa nagsalita... Yung new classmate namin.. He look familiar..?? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD