Alexandria's POV
"HUHUHUHUHU!!!"
Kasalukuyan akong nasa sala ng dorm ko habang nagkakalat ng ganda este tissue!!
"I told you to be a good girl right?? But look what you did!! First day mo palang sa school na toh ang dami mo ng kapahamakang pinasok!! Hindi mo pa alam kung ano ang meron sa school na toh!! Pano kung hindi ko nalaman kay Sir Clause na pinarusahan ka nya huh??? Ano ng nangyari sayo kung hindi ako dumating ha??!!"
Nakatulala lang ako sa kanya habang binabaril nya ako gamit ang armalite nyang bibig!!
In short mapanganib ang bibig ng shokoy!!.
Opo tama kayo, si shokoy ang nagligtas sa kahalihalina kong katawan!!
'Magpadala kayo ng tulong at ipinapangako kong ibibigay ko ang delicious, hotilicious, sexilicious at perfectlicious na body ko!!'
"WAAAAAHHHH HUHUHUHU!!!"
Ngumawa na naman ako nang maalala ko ang ipinangako ko sa sarili ko!!
Waaaahh isang shokoy na may reyna na sirena ang ipinadala ng maykapal para sagipin ang babaeng nagtataglay ng kagandahan mapa labas o mapaloob!!
"HUHUHUHUHU!!"
Mas lalong lumakas ang iyak ko ng maisip na magiging kabit ako huhuhu!!
Wait!! Sa isip lang naman ako nangako diba??
Ibig sabihin, hindi alam ni shokoy ang lahat kaya malaya ako yuhoooo!!
Malaya ako, ikaw!! Tayong lahat!!!
Tumawa naman ako ng parang kontrabida sa isang show!! Pero wag kayo!! Ako lang ang nag iisang tumawa ng ganun na nakakaakit pa din!!!
"Tsk and what are you laughing for??"
Nakita ko namang nagtataka si shokoy at wierdung nakatingin sakin..
"Naaah don't mind me sea creature... Normal sa mga dyosang katulad ko ang maging kaakit akit sa kahit anong paraang tawa ang gagawin!!!"
Nag beautiful eyes naman ako sakanya pero inirapan nya lang ako!!
Napanganga ako at hahawakan ko na sana ang puso ko nang maisip na nasa loob pala ang puso ng tao, wala naman dito si bampira para utusan kong dukutin ang puso ko!!
So pano ko ipapakitang nasaktan ako nung inirapan nya ang beauty ko??
Hayst bahala na nga!!!
Tumayo ako at umakyat para pumunta sa kwarto ng higitin nya ako!!
"And where are you going??"
Inirapan ko sya!!
"Pake mo!! Dun ka sa sirena mong reyna!!!" habang inaalis ang pagkakahawak nya pero mas hinigpitan nya ito at iniharap ako sa kanya..
"Are you jealous??" nakangising sabi nya.
Nagseselos nga ba ako??
Sa akin na lang yun blehhh sekretong malupettt di pwedeng ibulong!!!
Tinaasan ko naman sya ng kilay at gulat na itinuro ang sarili ko!!
"Ako?? Nagseselos?? Eww bat naman ako magseselos ha!! Tsk hari ka lang naman ng mga shokoy eh yung future asawa ko hari ng mundo kaya wapakels ako sa inyo!! Dun ka nga!! Puntahan mo na kung sino man yang mapagpanggap mong reynang sirena hmp!!! Bitawan mo ko!! Matutulog na ako!!" nakasimangot kong sabi..
Napangiti naman sya sa diko alam na rason at dahilan?? Magkaiba ang spelling ng rason at dahilan ha kaya iba din ang meaning!!
Search ko mamaya kay inang dictionary!!
Kinurot naman nya ang pisngi ko at ngumiti ulit!!
Sh*tt!!! Amperfect ng ngiti ng taong toh!!
Oopss!! Charrott lang yun ha di perfect ang ngiti nya ewww tsaka di sya tao, shokoy sya!!
"Just take a bath first!! Kuskusin mo ng ilang beses ang katawan mo, ayaw kong may ibang bakas ng laway ang lalaking yun sayo!!" nandidilim nyang sabi!!
Nginisian ko naman sya..
"Ok lang sakin kung ayaw mo..gusto ko naman yung mga bakas nya hmmm tsalap tsalap nga eh geh matutulog na ako!! Bukas na ako maliligo, gusto ko pang mafeel yung mga haplos, hali-"
"Stop!! Maliligo ka o papaliguan kita!!"
Napahagikhik naman ako at nag puppy eyes sa kanya..
"Mahal na haring shokoy....paliguan mo na lang ako!!"
Humagikhik ako at tumakbo ng mabilis!!
"You maniac girl!!" narinig kong sabi nya..
Dumiretso nako sa kwarto pero syempre huminto ako sa tapat ng pinto...
Bakit??
Kasi sinabunutan, sinapak, binatukan, sinipa, sinampal at tinuhod ang putut*y ng sculpture na shokoy na nasa tabi ng pintuan ko!!
"Ampangit mo!!" sabi ko sa sculpture at inirapan ito.
Pumasok na ako sa kwarto pero napahinto ng maisip na yung mga sculpture ba pwedeng ilipat??
Hindi naman statue yun na katulad ng mga nasa malls or public places na nakikita natin na pwedeng ilipat!!
Yung pagkakagawa kasi sa sculpture na shokoy is parang katulad ng kay tito Jose!!!
Kilala nyo naman si tito Jose diba?? Si tito Jose Rizal po yung sinasabi ko!!
Basta ganun si sculpture shokoy kaya nga nagulat ako nung napunta sya jan eh!!!
Nevermind na nga lang!!
Naligo na lang ako dahil na rin sa katotohang nagbibiro lang ako kanina!! Ewww nandidiri kaya ako sa halik ni quadruabs!!!
Bakit binansagang quadruabs??
Alam nyo naman yun ehem ehem!!
Pagkatapos kong maligo eh umupo ako sa kama..
Sa tingin nyo anong dapat kong gawin??
Mahalin sya kahit nasasaktan na ako hihihihi de joke lan yun!!
Ano bang ginagawa pag gabi?
Syempre ....
Ihiwalay at iwan ang kalahating katawan at ilipad ang kalahati hihihihi manananggal ako at tatanggalin ko na!! Tatanggalin ko na ang mga....mga kaliskis ni...
"Shokoy!!"
Hingal na hingal akong napabangon sa kama??
Hanggang pagtulog ko, sinakop na rin ni shokoy!!!
Argghhb at ako? Manananggal?? Sa ganda kong toh?? Duhh!!
Bwis*t kang shokoy ka!! Sinakop mo na lahat pati isip at puso ko ayy di pa pala nya nasasakop yung puso ko diba??
Hinilot ko naman ang ulo ko!!
Sakupin mo na lahat haring shokoy pero wag ang bahay bata ko!!!
Kailangan mo munang magtransform ng tuluyan dahil ayoko ng shokoy na anak!!
Pinilig ko ang ulo ko...
May reyna na syang sirena!!
Pumikit ako ng slight wag na yung mariin nakakapangit daw although nakakaakit pa din ako kahit anong gawin ko... Wala eh dyosa ako!!
Napatingin naman ako sa bintana para tumingin sa loob ayy sa labas pala hehe anshunga lang!!
Nakarinig ako ng nagtatakbuhan!!
Tumingin ako sa baba at nakita kong may nagsusuntukang mga lalaking nakaitim..
At ang mas malala..
May mga patalim na gamit??
***