NAGULANTANG sila nang biglang makarinig ng ring ng telepono. Nagtatakang nagkatinginan sila. Hindi nila napansin na may telepono sa loob ng silid. "Saan nanggagaling ang tunog na 'yon?" tanong ni Kier. Nagkibit-balikat siya. "Hanapin na lang natin." Halos sabay silang tumayo at tinungo ang cabinet na malapit sa kama. Doon nanggagaling ang tunog. Binuksan niya iyon at tumambad sa kanila ang isang wireless phone na kulay itim. "Hello?" si Kier ang sumagot. Mabilis siyang lumapit sa binata at nakiusyoso. Idinikit niya ang tainga sa hawak nitong telepono. Sinubukan niyang balewalain ang nanunuksong tingin ng binata. They were in an intimate position. And he seemed to find it amusing. Ipinakita niya rito ang kanyang kamao nang makita ang pilyong ngiti nito sa mga labi. Natatawang umisod i

