"WOW!" Pinahid ni Kier ang bibig at tumingin sa kanya. Inabot nito ang baso at uminom ng tubig. "Kailan ka natutong magluto?" "I just followed the instructions in the cookbook." Gutom na gutom siya. Pangatlong plato ng kanin niya na 'yon. "Gusto mo pa ng rice?" Umiling ito. "Busog na ako. Tiyak na tataba ako kapag mag-asawa na tayo." "There's no charge for illusion," bulong niya. Ayaw niyang pansinin ang sinabi nito. Nakita niyang ibinuka nito ang bibig kaya mabilis niyang iniumang sa mukha nito ang hawak na tinidor. "Patapusin mo muna akong kumain bago ka magsalita, I might lose my appetite." Tumahimik naman si Kier. Pero pinanood naman siya nito habang kumakain. Hindi niya na lang ito pinansin. Mabilis niyang tinapos ang pagkain. NAALIMPUNGATAN siya nang magising at makaramdam ng ma

