PINILIT ni Fatima na pairalin ang katinuan. Para saan ang halik na ‘yon? Hindi siya mahal ni Kier. Kailan man ay hindi siya nito mamahalin dahil simula’t saput, alam niyang kababata lang na paboritong insultuhin, inisin at ipahiya sa maraming tao ang tingin nito sa kanya. Kapag nagpaubaya siya ngayon, sa huli ay siya lang magiging talunan. Buong lakas niya itong tinulak sa dibdib palayo sa kanya. "F-Fatima…" Nagtataka ang mga matang tumingin ito sa kanya. "Please…" usal niya at nagbaba ng tingin. Ayaw niyang salubungin ang nangungusap na mga mata nito. Napalunok siya nang hawakan siya nito sa baba at inangat ang kanyang mukha. Sandali siya nitong tinitigan. Nag-aalangan itong tumayo at naglakad patungo sa bintana. Pinagmasdan nito ang maliwanag na buwan. Narinig niya ang marahas nitong

