"MAY nararamdaman ka ba para sa akin, Fatima?" prangkang tanong sa kanya ni Kier. Hinila nito ang kamay niya. "Bitawan mo nga ako!" inis na binawi niya ang kamay. "Sagutin mo ang tanong ko." "Inuutusan mo ba ako?" "No. Gusto ko lang malaman." "W-wala," nautal pa niyang sagot at umiwas ng tingin. "Wala?" Tila hindi ito naniwala sa sinabi niya. "Pero may pakiramdam ako–" "Na may nararamdaman ako para sa ‘yo?" putol niya sa sasabihin sana nito. Tumawa siya para ma-insulto ito. "Guni-guni mo lang ‘yon." "Why can’t you admit it, wifey?" "Huwag mo akong matawag-tawag na 'wifey' at naalibadbaran ako sa 'yo." "I like calling you ‘wifey’, saka ikakasal na rin naman na tayo." "Not gonna happen," inis niyang sabi. Inis na naglakad-lakad siya hanggang sa makarating sa likuran na bahagi ng S

