GIGIL na inilapag ni Fatima ang wireless phone sa center table. Nawalan ng kuryente. Grrr….! Bakit ngayon pa nawalan ng kuryente kung kailan nakausap ko na si Dad? Umalis siya ng sala at pumunta sa kusina. Naghanap siya ng kandila o kaya flashlight na magagamit. Ngunit hindi niya na tinuloy ang paghahanap ng mga ito dahil bumalik agad ang kuryente. Bumalik siya sa sala, kinuha ang wireless phone at binitbit nang magtungo siya sa laundry area. Tapos na siyang maglaba at naisampay niya na ang mga damit pero hindi na muling tumawag ang kanyang ama. Ibinalik niya sa sala ang wireless phone. Alas-kwatro na ng hapon ayon sa antigong wall clock. Dalawang oras mahigit nang nasa kwarto si Kier. FATIMA tried to open the door of the bedroom. Hindi naka-locked kaya itinulak niya ito at sinilip s

