NANG makababa ng sala si Fatima ay sandali siyang umupo sa sofa. Ngunit mayamaya ang tingin niya sa hagdan. Kiss lamang iyon! pampalubag loob niya sa sarili. May sakit si Kier at kailangan niya itong alagaan para bumuti ang pakiramdam. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa sala while biting her fingernail. Nagpasya siyang pumunta sa kusina para initin ang natirang noodles sa kaserola. "Let me help you," ani Kier mula sa kanyang likuran. Hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ng binata. "No thanks. Kaya ko ito," tanggi niya. Natatakot siya sa tuwing lumalapit ang binata sa kanya. She’s always in danger when this man is around. Ay, mali! Totoo nga kayang takot siya sa sarili at hindi sa lalaki? "You’re not feeling well, bakit ka bumaba?" "Gusto kong uminom ng tubig." Wala nga pala siy

