NAPANGIWI si Fatima. Paano niya nakalimutang wala siya sa kanyang sariling silid? At lalong paano niyang nakaligtaan na hindi siya nag-iisa sa kuwartong iyon? Nasa labas ang lalaking kayang palambutin ang mga tuhod niya sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanya. Dammit, self! Pigil ang hininga na hinintay ni Fatima ang pagkatok ni Kier sa pinto ng banyo. "Kier? Are you there? Nasaan na ang towel ko?" Lumapit siya sa pinto at inilapat ang tainga roon. Pinakinggan niya ang mahinang kaluskos sa labas. "Kier?" Napilitan siyang in-unlocked ang pinto. Binuksan niya iyon, para silipin si Kier. He was standing outside the door. Walang imik na iniabot nito ang towel sa kanya. "Bakit hindi ka sumasagot?" inis niyang tanong. Nanginginig ang kamay na inabot niya ang towel. Nanuot sa kalamnan niy

