NAPATITIG siya sa sariling repleksyon matapos makapagbihis. The girl who stared back at her–it was different Fatima, not Fatima na umaapaw ang galit sa lalaking ngayon ay asawa niya na. She gasped out loud. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha. Mariin siyang napapikit. She was in love with Kier. That was the plain truth at it looked like she was going to stay–sa married life niya with Kier. Pero paano niya 'yon gagawin? Nagpapanggap lang sila. Peke ang kanilang kasal. Pinalis niya ang luhang malayang tumulo sa mga pisngi. Napahawak siya sa dibdib. Ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso. Kinakabahan siya. Naalala niya si Kier na nasa labas ng banyo. Ano ang mangyayari sa kanya ngayon? Ngayong tiyak na niyang mahal ito, lalo siyang mahihirapan na makisama rito. Hindi siya dapat uma

