MALUNGKOT na tinitigan niya sa mga mata ang kaibigan. "Walang dahilan para malaman niya pa ang tungkol sa nararamdaman ko." "Bakit naman?" Kumawala sa yakap niya si Kim. "May mahal siyang iba, Kim." Malungkot na hinaplos nito ang likod niya. "Umamin ka nga sa ‘kin. 'Yong pinakita n’yong pag-aaway sa kusina, nagkukunwari lang kayo, tama ba ako?" Tumango siya. "Mula sa aming naging kasal at ang aming magiging divorce ay pagkukunwari lang lahat. Peke ang aming kasal." "What?" Sa nanlalaking mga mata ay napasapo sa kanyang bibig si Kim. "I-ibig mong sabi–" "Our marriage is not legal. We are not a real couple," she added to what Kim would have said. "Kier paid the lawyer who blessed our marriage." "Oh, God! Why did you agree?" "Dahil mahal ko siya. Kahit alam kong pagkukunwari lang ang

